Lagusan
Isang makitid ngunit ligtas na lagusan papalaot ang praktikal na kahulugan ng vanua para sa isang mangingisdang mataw ng Batanes. (Mga naunang posts: Tataya sa vanua, Pagdaung sa vanua.)
Isang makitid ngunit ligtas na lagusan papalaot ang praktikal na kahulugan ng vanua para sa isang mangingisdang mataw ng Batanes. (Mga naunang posts: Tataya sa vanua, Pagdaung sa vanua.)
Ala-una ng hapon, padaung na sa vanua ang mga mangingisdang mataw ng Diora.
Pansinin ang tila single-file na pagpasok ng mga tataya sa makitid na pasilyong-dagat ng daungan, na siyang pinaka-katangian ng isang vanua ng Batanes. Alam ng mga mangingisdang mataw kung saang bahagi ng look ligtas dumaan upang idaung ang kanilang mga tataya: sa mabato at maalon na look, may isang makitid na lagusan kung saan, dahil sa kumparatibong lalim ng bahaging ito–ngunit halus isang dipa lamang ang luwag–ay bihirang bumabagsak ang mga malalaki’t papahampas na mga alon, at kaya di-gaanong nanganganib na tumaob ang papalaot o padaung mang tataya. Ito ang pisikal na aspeto ng tinatawag na vanua ng mga Ivatan: isang pili, pambihirang katangiang heyograpikal ng isang look kung kaya’t inaalagaang mabuti at ginagawan ng panahunang ritwal (mayvanuvanua) hanggang sa kasalukuyan ng mga mataw ng Diora.
Andrew Sayer, The Moral Significance of Class (Cambridge University, 2005) Tingnan rin ang mga link sa ilang akda ni Erik Olin Wright.
Paano kung ang lumilitaw ngayon bilang isang makapangyarihang larawan ng bansa ay hindi na ang anyo ng isang pamilyar na nilalang (katulad ng larawan ng isang mahal na ina, sa metapora ng ‘Inang Bayan’) kundi ang anyo ng isang multo? Ito ang nakakatawag-pansing proposisyon ng akdang ito (na nasa larangan ng natawag na post-colonial studies), ang imahinasyon ng bansa bilang isang minumultong entidad. Noong binisita namin ang munisipalidad ng Ampatuan (bilang paggunita sa naganap na masaker), nabanggit sa akin ng isa kong kasama na nakakwentuhan niya ang ilang bakwit tungkol sa pagmumulto sa lugar ng mga nasawi sa masaker. Sumagi ito sa aking isip ngayon habang binabasa ang akdang ito ni Peng Cheah. Makikita kaagad dito sa maikling sipi ang proyekto ng akda:
Because postcolonial nationalist Bildung [edukasyon] draws a lot of its strength from narrative fiction, especially that of the bildungsroman, I focus in particular on the difficulties of narrating the postcolonial nation in contemporary Asia and Africa through readings of Pramoedya Ananta Toer and Ngugı wa Thiong’o. The uncontrollable recurrence of figures of ghosts and malignant prostheses in Pramoedya’s and Ngugı’s attempts to reincarnate the national organism indicate that something has gone awry with their projects. The national organism and the culture that was supposed to preserve its life and resurrect it are constitutively possessed by the neocolonial state and other phantomatic processes such as the global culture industry. This requires us to rethink the idea of freedom as the transcendence of finitude. I conclude by suggesting that the most apposite metaphor for freedom today is not the organism but the haunted nation.
Tinalakay sa akdang ito (na magandang ikumpara sa akdang Zoogeographies) ang ilan pang pilosopikal na pundasyon nitong emergent discipline na tinatawag na animal studies o human-animal studies. Isa sa napaka-interesanteng palaisip at bayolohista sa larangang ito ang Alemang si Jacob von Uexkull, na sumulat ng klasikong akda na A Stroll Through the Worlds of Animals and Men (1934). Dapat itabi si Uexkull sa tatlong kilalang etolohistang ginawaran ng premyong Nobel (sa larangan ng medisina) na sina Karl von Frisch, Nikolaas Tinbergen, at Konrad Lorenz.
Magandang balik-tingnan sa mga nabanggit na pag-aaral bilang sangang direksiyon ng etolohiya ang maikling sanaysay sa larangan ng human ethology na makikita kay Zdenek Klein, “The Ethological Approach to the study of Human Behavior” (2000).