Guni-guni
Guni-guni (Lamaw) Nakakalungkot minsan maging guni-guni, ngunit masasanay ka rin
Read the rest of this entry »Guni-guni (Lamaw) Nakakalungkot minsan maging guni-guni, ngunit masasanay ka rin
Read the rest of this entry »Nakapagtatakang nakuhang sukatin ni Georg Cantor (1845-1918) ang kaibahan ng dalawang ideya ng infinity (walang-hanggan): ang infiniti ng “natural numbers” at ang infiniti ng “real numbers.” At matapos sukatin, sabihing mas mataas ang magnityud ng infiniti ng isa kaysa isa (hindi pareho ang bigat ng, sa ordinaryong-mortal, “walang-hanggan”)! (Totoo, mas nakakagulat ang pagtumba sa kanya ni [...]
Read the rest of this entry »Ezra Pound Salin: Lamaw Makikipagkasundo ako sa iyo, Walt Whitman— Matagal-tagal na rin kitang kinamumuhian. Lumalapit ako ngayon na isa nang binata Na dati ay may isang baboy-ulong ama; Nasa tamang gulang na upang makipagkaibigan. Ikaw ang pumutol sa bagong kahoy, Ngayo’y panahon na ng pag-uukit. Iisa ang ating dagta at ugat— Bubuksan natin ang [...]
Read the rest of this entry »Emily Dickinson Salin: Lamaw Walang Barko na tulad ng Libro Na magdadala sa atin sa malalayong Pulo O Bapor na tulad ng isang Pahina Ng lumulundag na Tula— Itong Pagtawid ay abot ng Dukha Walang mapanikil na Bayad— Gaano katipid ang Karwaheng Nagsasakay ng Kaluluwa ng Tao.
Read the rest of this entry »Dylan Thomas Salin: Lamaw Itong tinapay na aking hahatiin ay dating butil Itong alak mula sa malayong baging Na sinisid sa kanyang bunga; Ang tao sa araw o hangin sa gabi Pinayuko ang taniman, winasak ang tuwa ng ubas. Sa alak na ito minsang nanuktok Ang tag-araw na dugo sa kalamnan ng baging, Sa tinapay [...]
Read the rest of this entry »Replikasyon: ang paglikhang-muli/pagkokopya ng isang lifeform, ang bayolohikal na reproduksyon, isang sentral na tema sa mga disiplinang bayolohikal. Sa mga agham panlipunan, at sa pang-unawa na rin ng mga ordinaryong tao, mahalaga rin ang usaping replikasyon sa ganitong tono: namamana ba ang ugali? Kung halimbawa namamana o nakokopyang-muli paano ito namamana? Dahil lang ba sa [...]
Read the rest of this entry »Tatlong tula ni Wystan Hugh Auden (1907-1973) ang isinalin ko sa Pinoy: ang isa, nitong buwan lang (Ihimlay Ang Iyong Tulog Na Ulo, Mahal Ko); ang dalawa, siyam na taon na ang nakalipas (Espanya, 1937 at Museo ng Belyas Artes). Hindi toreng-garing na intelektwal si Auden, at hindi makatang, sa linya ni Dylan Thomas, ‘hiwalay sa [...]
Read the rest of this entry »Countee Cullen Salin: Lamaw Walang duda na Diyos ay mabuti, mabait, naaawa, At kung Kanyang pag-abalahan ay masasagot Niya bakit Pinapatalon sa tubig ng parasitikong uod ang tipaklong, Bakit naaagnas itong laman na sa Kanyang anyo nilikha, Maipapaliwanag bakit ang pinahirapang si Tantalus Ay tinutukso ng mga tusong prutas, at magpapatunay Kung tanging kapritsong madilim [...]
Read the rest of this entry »Isa pang mahalagang impluwensiya sa formasyong-Dylan si Woody Guthrie: makina/teknolohiya ang gitara sa paglansag ng pasistang agresyon. Magandang balikan-pakinig ang ilang klasikong kantang manggagawa ng Amerika, kung saan nahulma si Guthrie, kasama ang kasabay na si Pete Seeger.
Read the rest of this entry »William Butler Yeats Salin: Lamaw Nasalubong ko ang Obispo sa daan At marami kaming napag-usapan. “Iyang mga suso’y lusyang, Iyang kaugata’y masasayang; Sa magarang mansyon manirahan Huwag sa mabahong kulungan.” “Mabango at mabaho ay malapit na kamag-anak, Kailangan ng mabango ang mabaho,” wika kong galak. “Mga kaibigan ko’y wala na, ngunit iya’y katotohanan Na ‘di [...]
Read the rest of this entry »Mayor na impluwensya sa kaluluwa ni Bob Dylan si Odetta. Kailangang mapakinggan ang kanyang obra upang makita kung bakit tinuturing syang pinakamagaling na Blues-singer na babae sa ika-20 siglo. Sa superb na dokyung No Direction Home ni Martin Scorcese, tungkol sa maagang-bahagi ng buhay ni Bob Dylan, masisilip ang isang kuhang live na pagkanta [...]
Read the rest of this entry »Nagbabasa ako kanina ng di-matapos-tapos na Mimesis and Alterity (A Particular History of the Senses) ni Michael Taussig, nang bigla nalang ni-request ni Tungaw, na naghuhugas ng pinagkainan-naming-plato, na hanapin ‘yong piktyur ng babaeng nagbabasa habang naghuhugas.’ Ensayklopedyang-Tsino ni Borges ang ayos ng aking librarya (ibig sabihin: nag-rambol ang mga aklat) kaya mahirap mahanap [...]
Read the rest of this entry »Malapit nang lamunin ng halaman ang bahay kaya nag-imbentaryo kami ng backyard-biodiversity ni Tungaw kahapon. Sandaang-metro kwadrado (100 m[2]) ang sukat ng fild. Maraming langgam (mga 4 o 5 klase), butiki, ilang langaw, buyog, mayang-bahay, tumakbong-pusang-gala, ngunit mas inuna namin ang ilang mga di-pansing sagbot (damo), iyong walang-silbi, kahit siguro para sa mga magaling-sa-herbal na [...]
Read the rest of this entry »Paano ba isalarawan ang Bagobong kahaw (Bisaya, kagaw; Espanyol, microbio; Ingles, germ) ng mga taong di nakakita nito sa mikroskopyo? Para kay Antony van Leeuwenhoek, animalcula (maliliit na hayop) o “buhay na mga Atom” ang tawag niya sa nakitang mga buhay na bagay sa kanyang mikroskopyo. Ito ang bahagi ng kanyang report (Philosophical Transactions, 1677): Noong [...]
Read the rest of this entry »Nakakapagtahi ang (1) mga kamay ni Tungaw, habang ang kanyang (2) katawan ay tinatransporta ng bus patungong Gen San, at malamang naglalaro rin ang kanyang (3) isipan sa mga eksena sa katatapos-lang-basaheng Waterland ni Graham Swift, at naghahanap ng maayos na posisyon ang kanyang (4) mga paa sa may-kasikipang espasyo ng upuan. Maaaring isiping fragmentaryo [...]
Read the rest of this entry »