Archive for June, 2006

Lambat-ni-Talon

May sagot na ako kung saan nagpupunta si Talon, o anong ginagawa nito, sa mga araw/gabi na wala siya sa bahay. (1) Binibigyang-laya nya ang kanyang likha-ng-ebolusyong disenyo: ang mangayam/mangaso kung gabi. Bersyong-pusa syempre: kaya di na literal na magdadala ng aso (Ilonggo, Bikol: ayam). Sa Manobo, ang hunting ay kodpungannup: sa literal, hunting with [...]

Read the rest of this entry »

Tanda/Bakas

Titingnan natin kung kayang pagtagpuin, sa mga una, nanginginig na hakbang man lamang, ang semyotiks (agham-tanda: pag-aaral sa kilos/sayaw ng mga tanda at ang mga batayang prinsipyo nito) at ang bayolohiya (agham-buhay: na sentral na umaalam sa mekanismo ng pag-uulit/replikasyon ng mga katangiang pang-organismo; sayaw-tinikling ng reproduction-variation  [pag-uulit at paglitaw ng iba/bago sa bawat pag-uulit] [...]

Read the rest of this entry »

Network/Lambat

Lagi akong namamangha kapag naaalala ko ang depinisyon ng network ng Ingles na lexikografer na si Samuel Johnson (1709-1784). Sa totoo, nalilimutan ko lagi ano talaga ang sinabi nya, basta bagsik, kaya hinahanap ko uli ang edisyon ko ng James Boswell (1740-1795), Life of Samuel Johnson (1791), tsek sa indeks, network, anong peyj nga, heto, at [...]

Read the rest of this entry »

Kalkulasyong-Hayop

  Heto ang kakaibang paraan ng pagpuslit ni Talon: binuksan ang trangka at dumaan ito sa bintana. Halos kalahating oras akong nakaupo, tulala, sa nadatnang sitwasyon. Wala si Talon sa loob ng bahay at bukas na ang trangka sa meshwire ng bintanang-jalousie. Paano niya nabuksan ito? Kung ang pag-iisip ay isang porma ng kognitibong kalkulasyon, [...]

Read the rest of this entry »

Kontra-domestikasyon

Noong nakaraang linggo, bumalik at umalis-uli ang aming kasamang si Talon (pusa) sa bahay. Mga ilang linggo ring nawala ito, bumalik sandali, kumain, umalis na naman, at bigla nalang nagpakita noon ngang nakaraang linggo, Hwubes yata. Tapos umalis na naman, sa kakaibang paraan (sa susunod na ito). Ayaw ni Talon magpakulong sa bahay. Kapag bumubukas [...]

Read the rest of this entry »

Silang Wala Rito

Edwin Muir Salin: Lamaw Wala sila rito. At tayo, tayo ang Ibang Tao Na tahimik na naglalakad sa ilalim ng araw Na sumisikat sa atin at sa atin lamang. Dahil wala sila rito. Na nagpakilala sa atin dito sa malawak na kawalang-laman Na nakapaligid sa atin at namamagitan sa atin Dahil wala sila rito. Ngayon, [...]

Read the rest of this entry »

Orangutan-at-Durian

  Si Alfred Russel Wallace (1823-1913), na kakambal ni Darwin sa paglikha ng konsepto ng “seleksiyong natural” (pagpipiling likas), ay nagbigay papuri sa durian (Durio zibethinus) gamit ang mga larawang pamilyar sa kanyang bayan at kabihasnan: para raw itong “rich butter-like custard, highly flavoured with almonds” na ang lasa ay nagpapaalala sa kanya sa “cream-cheese, [...]

Read the rest of this entry »

Ngunit Ako’y Tumatanda at Nagiging Tamad

Robinson Jeffers Salin: Lamaw Binalaan na ako. Tatlumpong taon na ang lumipas mula nang ako’y magsulat— Ginugunita ang aking mga tulang ginawa, na laging Nagtatapos sa dugo at sakit, kahit di hamak namang maganda—ang aking pagod, ang aking dugo, Sila’y aking likha—Naunawaan ko ang mga bagay, at sinulatan ang sarili: “Gumawa ng pag-aalay, isa kada [...]

Read the rest of this entry »

Tao-Kahaw

Ilang ispisis/species ang isang indibidwal na tao? Tila balintuna (oxymoronic) ang tanong. Ngunit ang isang naglalakad na tao sa may kanto ng Mintal ay maituturing na isang consortium ng mga species: isang ekosistemang naglalakad: isang buong banua. Sa lens ng microbiology, isang buong nagtutulungang-daigdig (ng tao-at-maykroorganismo) ang isang naglalakad na tao. Hindi ito dahil sa may [...]

Read the rest of this entry »

Titser-at-Estudyante

Nakakapangilabot magbasa ng report tungkol sa iba’t ibang indeks at larawan ng terorismo [= agresibong paghahasik ng pananakot] ng estado: ang sunod-sunod na mga pagpaslang sa mga kilalang makabayang aktibista. Pasismo: maaring bigyang-kahulugan bilang isang porma ng political behavior kung saan, upang pawiin ang mga kritisismo, agresibo/bayolenteng sinusupil ng nangingibabaw na estado ang mga ligal [...]

Read the rest of this entry »

Huwag Padala Sa Lambing ng Takipsilim

Dylan Thomas Salin: Lamaw Huwag padala sa lambing ng takipsilim, Katandaa’y dapat mapoot sa pagkagat ng dilim; Sigaw, sumigaw laban sa paglubog ng araw. Sa huli ay isipin man ng mga pantas na dilim ay tama, Pagkat kidlat ay ‘di mabingwit ng kanilang wika. Muli at muli silang papalag sa paglubog ng liwanag. Mga banal [...]

Read the rest of this entry »

Wika

Maraming uri ng wikang-Pinoy. Tingnan natin ang linyang ito na nasa Ingles: To betray a friend is ignoble. Tagalog-ni-Balagtas: Kaimbihan ang magkanulo ng kaibigan. Bisaya: Dautan ang magluib sa kauban. Pinoy-simple: Masamang maghudas ng kaibigan. Konyo: Bad ang mag-betray ng friend. Pinoy-Davao-daw: Dautan ang magbetrey ng kauban. Pinoy-Ingles: Tu betrey ey frend es ignobol. Buhay-na-buhay [...]

Read the rest of this entry »

Istatistika-ng-Estado

Nakakatuwa ang balitang ito tungkol sa manipulasyon sa istatistika ng ekonomistang-si-GMA at sa kakaibang ‘Arrovonomics’. Maniobrang mga numero at pagbibilang ng mga pinaslang: Ito ang mga mapanglaw, madilim na linggo nang ang baog na parang ay pumapareho sa katangahan ng tao. Tumalon ang taon sa dilim at sumisid ang puso nang mas malalim pa sa [...]

Read the rest of this entry »

Ito

William Carlos Williams Salin: Lamaw ang mga mapanglaw, madidilim na linggo nang ang baog na parang ay pumapareho sa katangahan ng tao. Tumalon ang taon sa dilim at sumisid ang puso nang mas malalim pa sa gabi doon sa hungkag, binabagyong bayan na walang araw, bituin, o buwan kundi kakaibang ilaw na parang isipan na [...]

Read the rest of this entry »

Kasalukuyang-Panahon

At narito narin tayo sa pag-iisip ng infiniti, panahon, at ang pa-iba-iba/pahasik, at pakalat o biglang-liko, nitong direksiyon, mag-ala-Dylan tayo at magbigay-profesiya tungkol sa dilim na bumabalot (Amerika, CIA, Estadong-GMA, mga serye ng pagpatay sa mga makakaliwa) sa kasalukuyang panahon: Maririnig mo sa tabi ni Cantor ang mahina, ngunit nanunuot, na kanta ni Claude McKay [...]

Read the rest of this entry »