Latest Publications

Skinks

   

Dalawang klaseng mala-butiking reptilya (kakaibang mga butiking-lupa, malamang maikakategorya bilang mga skinks) ang nakita namin ni Tungaw: isa sa aming gilid-bahay (babang larawan) at isa sa kampus ng UP Mindanao (taas na larawan) noong nakaraang taon. Pansining kahilira ng kanyang katawan ang linya nitong huli; habang pa-hiwang-katawan naman ang mga linya ng nauna. (Balikan: Imbentaryo)

Mt. Apo at Datu Birang

  

Naging isang icon ng kilusang Lumad sa Mindanaw si Datu Tomas Ito (o si Datu Birang), lalong-lalo na sa kampanya kontra geothermal power plant project sa Mt. Apo noong pinakahuling bahagi ng dekada-80. Si Tomas Ito ang naging ‘mukha ng kampanya upang depensahan ang Bundok Apo’ na mas tumingkad pagpasok ng dekada-90. Pumanaw si Datu Tomas sa edad na 84 noong 10 ng Pebrero nitong taon. (Tingnan: photo-essay ng Davao Today sa buhay ni Tiyo Tomas)

Maalala ko si Tiyo Tomas noong bumisita kami ni Tungaw noong 2008 sa kanyang bahay sa Pogpog (dahil mga kalahating oras lang ang layo nito mula sa Todaya, Sta. Cruz, kung saan kami nag-fildwork). Tuwang-tuwa siya sa aming pagbisita dahil may malaking laban noon si Manny Pacquiao at gusto niyang may makasama sa pagbaba sa bayan ng Kapatagan upang makipanood ng TV coverage ng Pacquiao-Dela Hoya Fight. 82 taong gulang na noon si Tiyo Tomas, makalimutin na, may mga karamdaman sa katawan dala ng katandaan, ngunit maliksi siya noong araw na iyon, mula pagbaba namin sa Pogpog hanggang sa pagkapanalo ni Pacquaio. Nagawa pa niyang mag-lektyur sa amin ni Tungaw sa may tabing-daan tungkol sa ilang isyung panlipunan matapos ang laban.

 

 

Gagamba sa bahay

 

(Kuha ni Tungaw) 13 Setyembre 2008, 10:33 AM, Mintal, Distritong Tugbok, syudad ng Dabaw

Rotated views

    

Flipped/rotated views (29 Agosto 2010)Bangkal, Matina: isang suryal na bintana sa loob ng tumatakbong bus patungong Gensan

Drift

  

Yellow drift (29 Aug 2010, Sarangani Province)

Divine intestine

 Muni-muni ni Milan Kundera (1984) sa isang ‘teolohikal na problema’:

When I was small and would leaf through the Old Testament retold for children and illustrated in engravings by Gustave Dore, I saw the Lord God standing on a cloud. He was an old man with eyes, nose, and a long beard, and I would say to myself that if He had a mouth, He had to eat. And if He ate, He had intestines. But that thought always gave me a fright, because even though I come from a family that was not particularly religious, I felt the idea of a divine intestine to be sacrilegious. Spontaneously, without any theological training, I, a child, grasped the incompatibility of God and shit and thus came to question the basic thesis of Christian anthropology, namely, that man was created in God’s image. Either/or: either man was created in God’s image—and God has intestines!—or God lacks intestines and man is not like Him. The ancient Gnostics felt as I did at the age of five. In the second century, the great Gnostic master Valentinus resolved the damnable dilemma by claiming that Jesus ate and drank, but did not defecate. Shit is a more onerous theological problem than is evil.