Posted in August 24, 2010 ¬ 4:43 pmh.wamal
Posted in August 24, 2010 ¬ 10:33 amh.wamal

Sa bagong akda ni Zizek (Living in the end of times, 2010), nabalikan nito ang ‘nakalimutang klasik’ ni John Frankenheimer (Seconds, 1966). Ganito ang dayalektikong ‘batas’ na binigyang-diin ni Zizek-cum-Frankenheimer:
In a radical revolution, people not only “realize their old (emancipatory, etc.) dreams”; they have also to reinvent their very modes of dreaming. [...] If we change reality only in order to realize our dreams, without changing these dreams themselves, then sooner or later we will regress to the former reality.
Posted in August 24, 2010 ¬ 9:53 amh.wamal

John Lennon/Plastic Ono Band
Posted in March 23, 2010 ¬ 10:57 amh.wamal\wangut

Dito sa bulubundukin at kanlurang bahagi ng baryo Uvoy (bandang likod ng Racujaide) nangagaling ang tubig na iniinum ng mga taga-Diora. Sumama ako kina Manong Ernie (ang nag-iisa na ngayong panday ng tataya ng Diora) at ng kanyang kasama noong tinunton nila ang lugar na ito upang ayusin at linisin ang daan, at tabunan ang ilang bahagi ng nakausling gomang-tubo na siyang dinadaluyan ng tubig mula sa sinalang bukal papuntang sityo. Kasabay ng pagmimintina ng vanua, matamang inaalagaan ng mga Ivatan ang iilang natitirang mga bukal ng tubig ng kanilang isla. Sabi pa ng isang mataw, ang inuming-tubig ang pinakamahalagang bagay na dapat mong dalhin sa laot kung ikaw ay mangingisda.
Posted in March 23, 2010 ¬ 8:15 amh.wamal\wangut

Kalabaw ang nagpapaikot sa mekanikal na ligisan ng tubo upang mapiga ito, katasin, mapa-ferment, at maging inuming palek (Tag., alak) ng mga Ivatan.
Sinamahan ko si Junjun Fabre ng sityo Diora sa kanilang pastulan ng kalabaw sa bulubunduking bahagi ng Mahatao upang mapuntahan ang kanilang parsela ng tubuhan at ang lugar ng kanilang ligisang mekanikal. Isang binatilyong mataw si Junjun, anak ng isa sa mga matandang pamilya ng Diora.
Mapapansin na isang karaniwang kaayusang pamumuhay ng mga Ivatan ang sabay maging mangingisda at maging magsasaka. Halimbawa, isang mangingisdang mataw si Junjun tuwing kapanahunan ng migratoryong dorado (sa panahong Tag-Araw, Marso hanggang Mayo), at nagtatrabaho naman sa bukid (nagtatanim ng tubo, ubi, at mga gulay) sa kalakhang bahagi ng taon.
Posted in March 23, 2010 ¬ 6:10 amh.wamal\wangut

Sa ganitong paraan natututo sa trabahong mataw ang anak ng mangingisdang Ivatan: mula sa maagang preparasyon upang pumalaot hanggang sa pagdaung balik mula sa pangingisda ng dorado (arayu) at hanggang sa paglilinis ng isda upang maibilad, halus laging nasa tabi ng isang mataw ang kanyang lalaking anak, tumutulong at nag-oobserba.