Posted in September 30, 2009 ¬ 7:35 amh.wamal\wangut
Iba ang hexis ng katawang nakipamuhay nang matagal sa bundok at gubat. Kakikitaan ang katawan ng mga karakteristikong kumpas, liksi, at mga nakasanayang kilos (natawag nga ito ni Pierre Bordieu na body hexis o habitus ng katawan sa ilang pag-aaral) na parang umaakpa rin sa kapaligirang ginagalawan nito. May lohika ang mga tindig at galaw [...]
Read the rest of this entry »
Posted in September 27, 2009 ¬ 9:45 amh.wamal\wangut
Ika-8 ng Setyembre 2009, sa makahoy na bahagi ng Gubat Tatsuki, Harihata (Shiga Pref., Japan), animo’y lumundag ang dekada-60, Panahong ‘Hippie’ ng Amerika, ng iniwan-nang siglo-20 (ng dapat nang iwanang Siglo 20), ngunit biglang tumalon diretso doon sa siglo-21 ng Hapon, na may kakaiba uling liksi, dinadaluyan ng bagong dugo ng mga Asyanong ‘hippie’, [...]
Read the rest of this entry »
Posted in September 4, 2009 ¬ 11:03 amh.wamal\wangut
Nagbago ang wawa (bunganga) ng Ilog Dabaw sa loob lang ng di-sosobra ng 50 taon. Ang pangalawang mapa sa itaas ay mula sa aerial map na gawa ng US Army noong mga taong 40s at 50s (at kinonsolida noong 1960s). Kung nakaharap ka sa bunganga ng Ilog Dabaw, nasa malayong kanan ng kasalukuyang wawa [...]
Read the rest of this entry »
Posted in September 4, 2009 ¬ 10:03 amh.wamal\wangut
Hindi nalimutang ipinta ng isang artist na Ivatan ang mapamaraang asong ito. Para tuloy siyang naging si Prometheus, na nagnakaw ng apoy mula sa mga makapangyarihang diyos upang ibigay ito sa tao. O baka huminto lang ito sandali sa tabi ng santo at pagkatapos ay tatakbo na sa bahay ng isang magsasaing pang Ivatan. Malamang [...]
Read the rest of this entry »
Posted in September 4, 2009 ¬ 9:22 amh.wamal\wangut
Dalawang piling aso ang kasama ng isang pamilyang Cotabato Manobo sa kanilang tulugan. Nakitulog kami noong nakaraang buwan sa isang bahay na ito nang maabutan kami ng gabi at ulan patungong lugar ng mga Tasaday. Naalala ko ang isang Espanyol na kronikler noong 17 o 18 na dantaon na nagbalitang may mga ispesyal pang hagdanan [...]
Read the rest of this entry »