Pagbabagong heograpikal

  

Nagbago ang wawa (bunganga) ng Ilog Dabaw sa loob lang ng di-sosobra ng 50 taon. Ang pangalawang mapa sa itaas ay mula sa aerial map na gawa ng US Army noong mga taong 40s at 50s (at kinonsolida noong 1960s). Kung nakaharap ka sa bunganga ng Ilog Dabaw, nasa malayong kanan ng kasalukuyang wawa ang dating bukana nito. Iilan nalang sa mga kasalukuyang naninirahan malapit sa bukana ang maaari mong makausap tungkol sa pagbabagong-direksiyong ito ng Ilog. Sa huling mapa sa itaas (mula sa Google Earth), naka-overlay ang kasalukuyang direksiksyon ng Ilog (bilang asul) at ang dating bukana nito (bilang puti). Mula noong magbago ang direksiyon ng agos ng Ilog Dabaw, nagkaroon na rin ng unti-unting pagtatambak ng lupa sa dating wawa at sa mga katabing lugar kaya mistulang tumubo ang coastline sa gawing ito ng Dabaw. Kung ipa-plot mo sa dating mapa, halimbawa, ang lugar ngayon ng tinatawag na Isla Verde, malayo pa ito sa dating dalampasigan. May mga kwento nga ang ilang residente doon (noong magkaroon kami ng fildwork sa lugar noong Marso) na ‘pinatubo ng Diyos ang lupa mula sa dagat upang magkaroon ng matitirhan ang mga mahihirap’ na walang lupa. Maaari ding tingnan na may kaugnayan ang sinasabing ‘pagtubo ng lupa’ sa pagbabago ng direksiyon ng Ilog Dabaw. Kung bakit nagbago ang direksiyon ay malamang may kaugnayan na naman sa malakas (o malalakas) na baha, malamang dala ng pagkakalbo ng mga kabundukan sa ulo ng Ilog Dabaw. Kung tama ang palagay na ito, makikita ang pagkakadugtong-dugtong ng mga bahagi ng transpormasyong pangkapaligiran: deforestasyon, pagbabago ng direksiyon ng ilog, at pag-usad ng dalampasigan sa lugar ng dating bukana.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>