Archive for November, 2009

Reclassification

Ano ang kaugnayan ng dalawang alternatibong klasipikasyong inendorso ni Barnard (2004: 7-12; tingnan ang naunang mga pagtalakay dito, sa Classifying Theories 1 at 2)? Ripasuhin muna natin ang kanyang mga proposal. Ang una ay may tatlong kategorya: (a) diyakroniko-sinkroniko-interaktibo [d-s-i]; ang pangalawa ay may dalawang kategorya: (b) lipunan at kultura [l-k]. Ano ang batayang mga [...]

Read the rest of this entry »

Classifying Theories 2

Isa pang alternatibong klasipikasyon ng mga teoryang antropolohikal ang binigay ni Barnard (2004, tingnan dito ang nauna) sa itaas. Dalawang malalaking grupo: (1) mga teoryang ang diin ay ang pag-unawa sa ‘lipunan’, (2) mga teoryang ang diin ay ang pag-unawa sa ‘kultura’. Katulad ng naunang proposal, may suplemental na pagsasakasaysayan rin ang klasipikasyong ito: na [...]

Read the rest of this entry »

Classifying Theories 1

Ang table sa itaas ay inendorso ni Alan Barnard (2004) bilang isang paraan sa pagklasipika ng mga teorya ng antropolohiya. Mapapansing ginamit pa rin dito ang nakasanayang mga label tulad ng ‘Marxismo’, ‘feminismo’, ‘istrukturalismo’, at iba pa (na batay sa tila natural—label na kadalasang ginagamit na rin ng mga tagasunod dito sa kanilang sarili—na pagpapangkat). [...]

Read the rest of this entry »

Paano isakasaysayan ang disiplina?

Paano balangkasin (bibigyang-hugis, isa-iskima) ang kasaysayan ng isang ‘disiplina’, tulad ng ‘antropolohiya’? Usapin kasi ito ng matandang pilosopikal na tema tungkol sa ‘ang iisa o ang marami’ (the one and the many): maitatanong kaagad dito kung meron nga bang isang ‘antropolohiya’ o meron lamang napakaraming kalipunan ng mga pananaliksik at gawaing lalapatan ng label na [...]

Read the rest of this entry »

Montesquieu

Charles-Louis de Secondat, baron de La Brède et de Montesquieu (1689-1755): ang kanyang Spirit of Laws (1752; De l’Esprit des Lois, 1748) [SL] ay Vol. 38 ng koleksiyong Great Books of the Western World ng Encylopedia Britannica, na binuo noong huling hati ng siglo-20. Mababasa ang isinaling akdang ito (Pranses»Ingles) at ang ilan pa sa [...]

Read the rest of this entry »

Teorya at Tradisyong Antropolohikal

Interesanteng ilustrasyon ng isang halimbawa (malamang isang dominanteng daloy) ng pagsasanga ng tradisyon ng antropolohikal na praktika-at-teorya ang makikita sa itaas, na galing sa librong History and Theory in Anthropology ni Alan Barnard (2004: 179). Ipinakita dito ang tatlong malalaking tradisyong lumitaw mula sa proyekto ni Montesquieu noong unang hati ng siglo-18. (Mababasa dito ang [...]

Read the rest of this entry »

Sisyphus

Hayaan muna nating magtulak ng dambuhalang bato sa walang-hanggang panahon itong mitolohikal na Griyegong si Sisyphus, habang pa-Zamboanga muna ako ngayong hapon hanggang Sabado at di-tiyak kung magkapanahon doong sumulat uli ng ilang rebyu (o di kaya ilang obserbasyong antropolohikal). Kahapon ko pa muling binabasa, dahil naputol ito sa kalagitnaan ng kwento ilang buwan na [...]

Read the rest of this entry »

James C. Scott

Ang pinakabagong akda ni James C. Scott (The Art of Not Being Governed: An Anarchist History of Upland Southeast Asia, 2009) ay tila sequel ng kanyang naunang Seeing Like A State. Ang konsepto ng isang zone of refuge sa kabundukan ng mga populasyong pumalag sa kaayusang estado ay binibigyang-diin ngayon sa pokus ng pag-aaral sa [...]

Read the rest of this entry »

Anarchism

Malamang na magkakaroon ng pangalawang duelo nitong kasalukuyang siglo—ulit mula sa naunang duelo nito noong maagang 20-siglo—ang Marxismo at Anarkismo: sentral dito na usapin ang kahalagahan ng estado sa proyekto ng paglikha ng pampulitikang kaayusang mapagpalaya at maginhawa. Bayani halimbawa ni Zizek si Lenin at ang kanyang magnum opus na State and Revolution. Si Lenin [...]

Read the rest of this entry »

Alfred North Whitehead

Sa The Ticklish Subject, hiniwalay ni Zizek ang mga palaisip na lumitaw mula sa malawak na daigdig ng teksto ni Heiddeger, mula sa kanyang posisyon na tumutulay mula sa daigdig ni Lacan (at na-reinterpretang Hegel). Gayumpaman, makikita mo pa rin ang impluwensiya ng ilang istilo ni Heidegger kahit kay Zizek, kahit man lang sa laging [...]

Read the rest of this entry »