Montesquieu

Charles-Louis de Secondat, baron de La Brède et de Montesquieu (1689-1755): ang kanyang Spirit of Laws (1752; De l’Esprit des Lois, 1748) [SL] ay Vol. 38 ng koleksiyong Great Books of the Western World ng Encylopedia Britannica, na binuo noong huling hati ng siglo-20. Mababasa ang isinaling akdang ito (Pranses»Ingles) at ang ilan pa sa kanyang mga akda dito: Online Books of Montesquieu.

Ilan sa mahahalagang sipi ng SL na may kaugnayan sa ilang pananaw at lapit sa agham-panlipunan at antropolohiya ay ang mga sumusunod:

Laws, in their most general signification, are the necessary relations arising from the nature of things. In this sense all beings have their laws: the Deity  His laws, the material world its laws, the intelligences superior to man their laws, the beasts their laws, man his laws.

Iyan ang pambungad na linya ng akda: binibigyang-diin ang “mga kinakailangang mga ugnayan na nagmumula sa kalikasan ng mga bagay”. Isa-isahin natin: mga ugnayan (ng mga bagay)»na kinakailangan (ibig sabihin, panloob, intrinsiko, at hindi aksidental, na mga ugnayan»batay sa likas na kaayusan ng mga ito. Ang diin sa “kalikasan ng mga bagay” ay pagbibigay-diin sa pananaliksik sa mga panloob at intrinsikong mga ugnayan ng mga bagay: ugnayang-panloob ng mga bagay-bagay ang pokus ng pag-aaral: ito ang tatawaging mga “batas”, ng ‘Diyos, ng materyal na mundo, ng mga hayop, at ng tao.’

Saan iuugnay ang pag-aaral sa mga batas ng tao? Ganito ang sinabi ni Montesquieu:

They should be in relation to the climate of each country, to the quality of its soil, to its situation and extent, to the principal occupation of the natives, whether husbandmen, huntsmen, or shepherds: they should have relation to the degree of liberty which the constitution will bear; to the religion of the inhabitants, to their inclinations, riches, numbers, commerce, manners, and customs.

Ang simpleng mga “batas”, kung gayon, ay pag-aaralan sa kaugnayan nito sa iba pang mga aspeto ng buhay ng isang lipunan: klima, lupa, trabaho, kalayaan, relihiyon, mga kiling, kayamanan, populasyon, mga pag-uugali, mga kostumbre. Ang “relasyon sa isa’t isa” ng mga ito—ang kanilang kaugnayan sa isa’t isa—ang nais maunawaan ni Montesquieu, at ang mga pag-uugnayang ito ang bumubuo ng tatawagin niyang Spirit of Laws:

These relations I shall examine, since all these together constitute what I call the Spirit of Laws.

Isang malawak, ambisyosong programa ng pananaliksik ang binuksan ni Montesquieu noong 1740s: mauunawaan bakit mula sa kanyang proyekto pinag-umpisa ni Alan Barnard ang “tatlong tradisyon” ng sosyolohiya, antropolohiyang Ingles, at antropolohiyang Amerikano.

Sa standard ng kanyang panahon, ang nagawang balangkas at pag-aaral ni Montwsquieu ay masasabing encyclopedic at masinop, kahit pa tila kenkoy pakinggan sa ngayon ang ilan sa kanyang pormulasyon at konklusyon. Nakakatuwang basahin, halimbawa, ang kanyang Book XVII, kung saan tinalakay nito ang kaugnayan ng ‘pang-aalipin’ at ‘kondisyong klimatiko’ ng mga bansa at lugar: ngunit sabay kang hahanga sa kanyang tapang sa pagsagawa ng halus global na pagkukumpara ng mga kalagayang pulitikal at klimatiko, batay lamang sa mga sulatin ng mga manlalakbay (travellers’ account), na siyang mapagbabatayan sa panahong ito na wala pang sistematikong pag-aaral etnograpikal (na napormalisa lamang sa panahon ni Malinowski).

Pinansin ni Montesquieu ang effeminacy of the people in hot climates (nagiging binabayi ang mga taong nakatira sa mga maiinit na lugar!) kumpara sa tapang ng mga nakatira sa mga malalamig na lugar. Para bang kung nabubuhay sa panahong ito (siglo-21) si Montesquieu, baka pag-aaralan niya ang posibleng kaugnayan ng global warning at ang mapapansing pagdami (o pagiging popular o katanggap-tanggap) ng mga bakla sa lipunan!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>