Kosmolohiya ng Bagani

Araw-Ahas

Isang buong kosmolohiya ang mapapansin sa headgear na suot-suot ni Datu Guibang Apoga, ang bayani/bagani ng Pantaron. Kung tama ang pagbabasa sa signipikasyong kosmolohikal ng mga Austronesyano sa akdang Liktao at Epiko ni Zeus Salazar (2004), ang heometrikal na disenyo sa may noo ni Datu Guibang—sinuot niya ito noong makiusap kaming kunan siya ng litrato bilang ala-ala ng aming pagdaan sa kanilang lugar—ay buong-lalim na nakaugat sa katutubong konpigurasyon ng ahas-at-araw. Heometriya ng ahas na nakapatong sa may noo (noo = mukha = araw): kaya tambalang Ahas (kailaliman) at Araw (kaitaasan) ang talagang buong ipinahihiwatig dito: ibig sabihin, ang buong lawak ng sanlibutan (san-libot-an) kung saan gumagalaw ang sangkatauhan, na ipinagtatanggol ng bagani/bayani (na sinisimbolohan mismo ng buong pagkatao ni Guibang). Naglalapat ang kailaliman at kaitaasan at nasa pagitan nito ang isang bagani.

Kaya, kung nakakapagsalita pa sa atin ang headgear ni Guibang, tila matalinghaga nitong sinasabi ang isang katotohanang umiiral pa hanggang sa mga araw na ito mismo: “may isang buong sanlibutan (ang Pantaron na kanilang ginagalawan) kung saan nakapook ang isang uri ng pagpapaka-bagani/bayani”—o di kaya, ‘naririto tayo sa isang pook kung saan nagaganap ang pakikipaglaban para sa lupaing ninuno’ ng mga Manobo. Hindi romantisasyong katutubo ang linyang iyan kung magbibigay-panahon tayong pag-aralan ang haba ng kasaysayan ng mga Manobo ng gitnang Pantaron.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>