Pantaron!

Pantaron 1!

Pantaron 2!

Datu Guibang

Nobyembre 29 hanggang Disyembre 2: tinawid namin ng ilang kasamang katutubo ang Pantaron Range. Isang lakarang halus walang katapusan, tuloy-tuloy sa dalawang araw, mula alas-kuwatro ng umaga hanggang alas-siyete ng gabing paglalakad, tulog, at lakarang muli pagkagising. Sto. Nino ng Talaingod, Davao del Norte kami pumasok (sakay ng habal-habal ng isang oras papunta sa isang sityo kung saan nagtatapos ang kalsadang madadaanan ng motor), at matapos ang mahabang mga oras at araw ng paglalakad, sa San Jose, San Fernando, Bukidnon na kami lumabas! Nakausap ko rin sa wakas ang isang legendaryong Datu ng mga Pantaron Manobo (kadalasang tinatawag na Ata-Manobo, ngunit iisang etnolingwistikong grupo lamang ito sila kasama ng mga tinatawag na Matigsalug, sa magkabilaang pook ng Pantaron), si Datu Guibang Apoga. Malalim ang pagkakaugat ng mga pamayanang katutubong ito sa lupain at kagubatang Pantaron: kung nananatili pa hanggang ngayon ang ilang magubat na bahaging ito ng Pantaron, at hindi tuloy-tuloy na napasok at napagsamantalahan ng mga malalaking kompanyang-troso at dayuhang kompanyang-mina, bunga ito ng ilang dekadang pagtindig ng mga Pantaron Manobo upang depensahan ang lupain ng kanilang mga ninuno at salinglahi.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>