Posted in March 23, 2010 ¬ 10:57 amh.wamal\wangut
Dito sa bulubundukin at kanlurang bahagi ng baryo Uvoy (bandang likod ng Racujaide) nangagaling ang tubig na iniinum ng mga taga-Diora. Sumama ako kina Manong Ernie (ang nag-iisa na ngayong panday ng tataya ng Diora) at ng kanyang kasama noong tinunton nila ang lugar na ito upang ayusin at linisin ang daan, at tabunan ang [...]
Read the rest of this entry »
Posted in March 23, 2010 ¬ 8:15 amh.wamal\wangut
Kalabaw ang nagpapaikot sa mekanikal na ligisan ng tubo upang mapiga ito, katasin, mapa-ferment, at maging inuming palek (Tag., alak) ng mga Ivatan. Sinamahan ko si Junjun Fabre ng sityo Diora sa kanilang pastulan ng kalabaw sa bulubunduking bahagi ng Mahatao upang mapuntahan ang kanilang parsela ng tubuhan at ang lugar ng kanilang ligisang [...]
Read the rest of this entry »
Posted in March 23, 2010 ¬ 6:10 amh.wamal\wangut
Sa ganitong paraan natututo sa trabahong mataw ang anak ng mangingisdang Ivatan: mula sa maagang preparasyon upang pumalaot hanggang sa pagdaung balik mula sa pangingisda ng dorado (arayu) at hanggang sa paglilinis ng isda upang maibilad, halus laging nasa tabi ng isang mataw ang kanyang lalaking anak, tumutulong at nag-oobserba.
Read the rest of this entry »
Posted in March 23, 2010 ¬ 5:38 amh.wamal\wangut
Isang makitid ngunit ligtas na lagusan papalaot ang praktikal na kahulugan ng vanua para sa isang mangingisdang mataw ng Batanes. (Mga naunang posts: Tataya sa vanua, Pagdaung sa vanua.)
Read the rest of this entry »
Posted in March 23, 2010 ¬ 4:43 amh.wamal\wangut
Ala-una ng hapon, padaung na sa vanua ang mga mangingisdang mataw ng Diora. Pansinin ang tila single-file na pagpasok ng mga tataya sa makitid na pasilyong-dagat ng daungan, na siyang pinaka-katangian ng isang vanua ng Batanes. Alam ng mga mangingisdang mataw kung saang bahagi ng look ligtas dumaan upang idaung ang kanilang mga tataya: sa [...]
Read the rest of this entry »
Posted in March 23, 2010 ¬ 4:13 amh.wamal\wangut
Ala-siyete ng umaga, ika-18 ng Marso, 2010. Pagsasaayos ng ilang kagamitan bago pumalaot sa bangkang tataya sa vanua ng Diora, Brgy. Uvoy, Mahatao, Isla ng Batan.
Read the rest of this entry »
Posted in March 22, 2010 ¬ 5:10 pmh.wamal\wangut
Andrew Sayer, The Moral Significance of Class (Cambridge University, 2005) Tingnan rin ang mga link sa ilang akda ni Erik Olin Wright.
Read the rest of this entry »
Posted in March 15, 2010 ¬ 6:31 amh.wamal\wangut
Paano kung ang lumilitaw ngayon bilang isang makapangyarihang larawan ng bansa ay hindi na ang anyo ng isang pamilyar na nilalang (katulad ng larawan ng isang mahal na ina, sa metapora ng ‘Inang Bayan’) kundi ang anyo ng isang multo? Ito ang nakakatawag-pansing proposisyon ng akdang ito (na nasa larangan ng natawag na post-colonial studies), [...]
Read the rest of this entry »
Posted in March 15, 2010 ¬ 5:41 amh.wamal\wangut
[Brett Buchanan, Onto-ethologies: The Animal Environments of Uexkull, Heidegger, Merleu-Ponty, and Deleuze (2008)] Tinalakay sa akdang ito (na magandang ikumpara sa akdang Zoogeographies) ang ilan pang pilosopikal na pundasyon nitong emergent discipline na tinatawag na animal studies o human-animal studies. Isa sa napaka-interesanteng palaisip at bayolohista sa larangang ito ang Alemang si Jacob von Uexkull, [...]
Read the rest of this entry »
Posted in March 14, 2010 ¬ 9:10 pmh.wamal\wangut
Kuha ang mga larawan sa itaas mula sa dual relief/fact finding mission na ginanap noong ika-23 ng Enero, 2010 bilang paggunita sa nangyaring “Maguindanao (o Ampatuan) Massacre” noong Nobyembre (2009). Ang relief mission ay para sa mga bakwit ng lugar. Dahil nasa daloy parin tayo ng pag-iisip sa ilang konsepto mula kay Agamben, baka [...]
Read the rest of this entry »
Posted in March 14, 2010 ¬ 7:55 pmh.wamal\wangut
Natukoy ni Agamben (tingnan dito ang naunang mga pagtalakay: Signature, Exemplum) ang tulang “Description without Place” ni Wallace Stevens (makikita sa kanyang akdang The Palm at the End of the Mind). Sa isang analohikal na kilos/metodo ng paglilikhang-kaalaman (na inaadhika ni Agamben para sa agham-pantao/panlipunan)—kung saan ang ugnayan ng mga (epistemolohikal na mga) bagay ay [...]
Read the rest of this entry »
Posted in March 14, 2010 ¬ 6:28 pmh.wamal\wangut
Nasa daloy pa rin tayo ngayon ng naunang pagtalakay sa ilang mahahalagang punto ng akda ni Agamben. Narito ang isang sipi sa konseptwal na pagkakaiba ng exemplar at exemplum sa Romanong kaisipan (ni Sextus Pompeius Festus): The exemplar can be observed by the senses (oeulis eonspieitur) and refers to that which one must imitate (exemplar [...]
Read the rest of this entry »
Posted in March 11, 2010 ¬ 4:27 pmh.wamal\wangut
Tinalakay ni Agamben sa akdang ito ang ilang konseptong naunang napatingkad ng mga pag-aaral ni Michel Foucault: episteme, archaeology, at paradigm (na kadalasang iniuugnay rin sa klasikong pag-aaral ni Thomas Kuhn, The Structure of Scientific Revolutions). Mas binigyang-diin dito ni Agamben ang paglilinaw hindi lang sa radikal na pagkakaiba ng konseptong paradigm ni Foucault at [...]
Read the rest of this entry »
Posted in March 11, 2010 ¬ 3:55 pmh.wamal\wangut
Ang konsepto ng plasticity na hango kay Hegel ay nilinang at pinalawak ni Catherine Malabou sa ilan niyang mga akda, gamit kapwa ang pilosopiya at ang mga pinakahuling pag-aaral sa brain sciences. Narito ang links para sa kanyang prinsipal na mga akda: [The Future of Hegel: Plasticity, Temporality and Dialectic (2005/1996)] [What Should We Do [...]
Read the rest of this entry »
Posted in March 11, 2010 ¬ 3:28 pmh.wamal\wangut
Levinas, Agamben, Derrida: tatlong kontemporaryong pilosopong nahamon ng teksto ni Heidegger upang pasukin ang temang tao-at-hayop na relasyon. Narito (1, 2) ang mga naunang pagtalakay sa The Open ni Giorgio Agamben. Sa Zoographies (2008), binigyan ni Matthew Calarco ng mas malalimang pagtalakay (isang buong chapter) ang sentral na mga argumento ng The Open ni Agamben.
Read the rest of this entry »