Archive for March 23, 2010

Tubig-bukal

Dito sa bulubundukin at kanlurang bahagi ng baryo Uvoy (bandang likod ng Racujaide) nangagaling ang tubig na iniinum ng mga taga-Diora. Sumama ako kina Manong Ernie (ang nag-iisa na ngayong panday ng tataya ng Diora) at ng kanyang kasama noong tinunton nila ang lugar na ito upang ayusin at linisin ang daan, at tabunan ang [...]

Read the rest of this entry »

Kalabaw, Tubo, Palek

   Kalabaw ang nagpapaikot sa mekanikal na ligisan ng tubo upang mapiga ito, katasin, mapa-ferment, at maging inuming palek (Tag., alak) ng mga Ivatan. Sinamahan ko si Junjun Fabre ng sityo Diora sa kanilang pastulan ng kalabaw sa bulubunduking bahagi ng Mahatao upang mapuntahan ang kanilang parsela ng tubuhan at ang lugar ng kanilang ligisang [...]

Read the rest of this entry »

Pagiging mataw

   Sa ganitong paraan natututo sa trabahong mataw ang anak ng mangingisdang Ivatan: mula sa maagang preparasyon upang pumalaot hanggang sa pagdaung balik mula sa pangingisda ng dorado (arayu) at hanggang sa paglilinis ng isda upang maibilad, halus laging nasa tabi ng isang mataw ang kanyang lalaking anak, tumutulong at nag-oobserba.

Read the rest of this entry »

Lagusan

Isang makitid ngunit ligtas na lagusan papalaot ang praktikal na kahulugan ng vanua para sa isang mangingisdang mataw ng Batanes. (Mga naunang posts: Tataya sa vanua, Pagdaung sa vanua.)

Read the rest of this entry »

Pagdaung sa vanua

Ala-una ng hapon, padaung na sa vanua ang mga mangingisdang mataw ng Diora. Pansinin ang tila single-file na pagpasok ng mga tataya sa makitid na pasilyong-dagat ng daungan, na siyang pinaka-katangian ng isang vanua ng Batanes. Alam ng mga mangingisdang mataw kung saang bahagi ng look ligtas dumaan upang idaung ang kanilang mga tataya: sa [...]

Read the rest of this entry »

Tataya sa vanua

Ala-siyete ng umaga, ika-18 ng Marso, 2010. Pagsasaayos ng ilang kagamitan bago pumalaot sa bangkang tataya sa vanua ng Diora, Brgy. Uvoy, Mahatao, Isla ng Batan.

Read the rest of this entry »