Exemplum
Nasa daloy pa rin tayo ngayon ng naunang pagtalakay sa ilang mahahalagang punto ng akda ni Agamben. Narito ang isang sipi sa konseptwal na pagkakaiba ng exemplar at exemplum sa Romanong kaisipan (ni Sextus Pompeius Festus):
The exemplar can be observed by the senses (oeulis eonspieitur) and refers to that which one must imitate (exemplar est quod simile faeiamus). The exemplum, on the other hand, demands a more complex evaluation (which is not merely sensible: animo aestimatur); its meaning is above all moral and intellectual. The Foucauldian paradigm is both of these things: not only an exemplar and model, which imposes the constitution of a normal science, but also and above all an exemplum, which allows statements and discursive practices to be gathered into a new intelligible ensemble and in a new problematic context.
Basahin nating muli ang huling mga linya ng sipi.
Exemplum: pagpapakita o pagbabanggit ng isang natatanging “halimbawa” (para sa isang tukoy na punto o katotohanan) kung saan ang ‘halimbawang’ ito ay magbubukas ng posibilidad upang matipon sa isang bungkos—sa isang bagong pananaw—ang ilang mga obserbasyon at mabuksan ang isang bagong katanungan.
Ang pagkakaiba ng exemplar-kontra-exemplum, samakatwid, ay kaibahan ng pagbibigay-halimbawa sa: (a) modelo o canon na maaaring gayahin (upang mabuo ang isang disiplina o agham) at (b) pananaw-na-nagbubukas-ng-mga-tanong. (Maitatanong rin sa puntong ito kung anong mga kaisipan ang mabubuksan sa pag-aaral ng etimolohiya ng ating salitang Tagalog na “halimbawa” at Bisayang “pa-nanglit-an” = (n)anglit = sanglit bilang kapwa ‘kadahilanan’ at ‘ehemplo’. Maaaring usisain ito sa ibang panahon.)
Ibig sabihin, ang itinaas na halimbawa-bilang-exemplum—isang ispisipiko, natatanging pangyayari o bagay (‘titigan mo itong x‘, sa isang pagbibigkas-na-nagbibigay-ng-halimbawa)—ay hindi ’isang representasyon’ (tumatayo para sa mas malawak na penomenon: parang pilining elemento mula sa kinapapaloobang set); hindi rin ito isang paghikayat sa atin upang ‘gayahin mo ito bilang modelong bagay o kilos’. Tandaan ang konsepto ng exemplum: hindi ‘representasyon’, hindi ‘modelo’, hindi elemento ng set.
Ang itinaas na halimbawa/exemplum ay binigyang-diin o masinsinang pinili (sa Meron) dahil nagbubukas ito kapwa ng isang tukoy na pananaw (tungkol sa ‘bagay’/tema na inuusisa)—kumbaga, may kapangyarihan ang ‘halimbawa’ upang maipon sa isang balangkas ang maraming naunang mga obserbasyon—at ng mga bagong katanungan o problematiko.
Mangyari pa, ang natukoy na halimbawa (isang x) ang siya na rin mismong nagpabuo o nagpalitaw sa isang bagong ‘bagay’ (na siya na ngang tinititigan o tinatanaw = isang pag-tanaw o ‘pananaw’) na siya na ngayong inuusisa. Ang exemplum ay maaring tingnan, kung gayon, na parang isang ‘pagpitas’ na ‘lumilikha’ mismo sa ‘bagay’ na pipitasin: sa pagpili sa isang bagay (bilang ‘halimbawa’ o) bilang isang exemplum, may mga bagong bagay at katanungan kang namamalayan na hindi mo pinagkakaabalahan noon: kaya parang may bagong ‘bagay’ na nabubuksan bilang pananaw at katanungan, isang paradigma.
Kaya, dagdag-eksplikasyon ni Agamben, ang pagbibigay ng isang “halimbawa” (sa istilong paradigm) ay paglampas sa aporia at deadlock ng induksiyon (paano lumundag mula partikular tungong unibersal) at deduksiyon (unibersal tungong partikular), sapagkat ang daloy ng exemplum/paradigm ay ‘mula sa partikular tungo sa ilan pang mga partikular’:
The locus classicus of the epistemology of the example is in Aristotle’s Prior Analytics. There, Aristotle distinguishes the procedure by way of paradigms from induction and deduction. “It is clear,” he writes, “that the paradigm does not function as a part with respect to the whole [hos meros pros holon], nor as a whole with respect to the part [hos holon pros meros], but as a part with respect to the part [hos meros pros meros], if both are under the same but one is better known than the other.” That is to say, while induction proceeds from the particular to the universal and deduction from the universal to the particular, the paradigm is defined by a third and paradoxical type of movement, which goes from the particular to the particular.
Sa isang kilos na nagtutuhog, dala ng analohiya, ng isang partikular sa iba pang mga partikular ay nalilikha ang isang bagong ensemble (kalipunan ng mga natipong bagay) na nagbubukas ng bagong problematiko sa praktika ng isang disiplina. (Maihahalintulad ang puntong ito, kung gayon, sa konseptong universal-singular ni Hegel.)
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

