‘Deskripsiyon na walang pook’
Natukoy ni Agamben (tingnan dito ang naunang mga pagtalakay: Signature, Exemplum) ang tulang “Description without Place” ni Wallace Stevens (makikita sa kanyang akdang The Palm at the End of the Mind).
Sa isang analohikal na kilos/metodo ng paglilikhang-kaalaman (na inaadhika ni Agamben para sa agham-pantao/panlipunan)—kung saan ang ugnayan ng mga (epistemolohikal na mga) bagay ay hindi na sa dayalektika ng partikular/unibersal (o ang ‘kabuuan’ at mga ‘nakapaloob’)—ano ang mangyayari sa mga ‘pook’ at ‘kabuuan’?
Ang makikitang analohiya ng mga bagay ay nasa isipan lang ba ng isang nag-uusisa o totoong mga katangian ng obhetibong larangan sa ating harapan: sa ibang salita, nasa isip lang natin o nasa ginagalawang ‘pook’? Ang sagot ni Agamben ay: walang kahulugan ang tanong na ito dahil wala nang ‘pook’ sa usapan kundi tanging mga ‘paglalarawan na walang pook’:
If one asks whether the paradigmatic character lies in things themselves or in the mind of the inquirer, my response must be that the question itself makes no sense. The intelligibility in question in the paradigm has an ontological character. It refers not to the cognitive relation between subject and object but to being. There is, then, a paradigmatic ontology. And I know of no better definition of it than the one contained in a poem by Wallace Stevens titled “Description Without Place”.
May pagka-mahiwaga ang nasiping linya (paradigmatikong istilo talaga ito ni Agamben), kahit pa amining makapangyarihan ang ideya ng pagkakaisa ng seeming at being sa ilalim ng isang analogia: ang araw sa matatag, nagngangalit nitong anyo na hindi diretsang matitigan. Ganito ang umpisa ng nabanggit na tula ni Stevens:
It is possible that to seem–it is to be,/ As the sun is something seeming and it is.
The sun is an example [exemplum, sa konteksto ng pagkasipi]. What it seems/ It is and in such seeming all things are.
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

