Tolstoy at Karaniwang-Aso

  

Nailarawan sa War and Peace (1869) ni Leo Tolstoy (na nakapagsilbi bilang pangalawang tenyente sa Digmaang Kremyan noong 1850s) ang tuwa at momentaryong sigla ng mga Rusong sundalo, na noo’y napangingibabawan ng pagkahapo at ‘kapanglawan ng loob’ (gloomy mood) sa nagpapatuloy na labanang Ruso at Aleman (sa ilalim ni Napoleon Bonaparte)—nagbigay-aliw sa kanila ang mga maliitang kislap ng ‘karaniwang-buhay’ (halimbawa, ang kenkoy na takbo ng isang nabiglang askal) sa gitna ng mga putok-kanyon at mga ingay-kaskas ng larangang-digma ng Digmaang Borodino noong 1812.

Sa matalas na komentaryo ni Tolstoy, ‘para bang ang tanging pinapahalagahan (given attention) na lamang nitong mga hapo at nawalan-ng-loob (morally exhausted) na mga tao ay ang makahanap ng momentaryong pahinga doon sa mga karaniwang bagay ng buhay’ (ordinary everyday events).’

Magandang basahin (sa isang palihis na paraan) ang buong deskripsiyon ng yugtong ito ng nobela: sa ganyang istilo ng pagbabasa, baka may mapulot tayong pang-unawa tungkol sa (tawagin na nating) ‘ideyolohikal na hila’ ng (sa kadalasan, labis-labis na pinupuring) ‘karaniwang-buhay’ (at ‘karaniwang tao’):

With each new blow, the chances of survival for those who had not yet been killed grew less and less. The regiment stood by battalions in columns three hundred paces apart, but, despite that, the men of the regiment were all under the sway of the same mood. The men of the regiment were all equally silent and gloomy. Talk was heard rarely among the ranks, but that talk would fall silent each time they heard a shot strike home and the cry “Stretcher!” Most of the time the men of the regiment, on orders from their superiors, sat on the ground. One, taking off his shako, carefully undid and redid the gathers; another, crumbling some dry clay between his palms, polished his bayonet; a third worked the leather and readjusted the buckle of his bandolier; yet another carefully spread out his footcloth, wound it up again, and put his boot back on. Some built little houses from the clods of the field or plaited little baskets out of straw. They all seemed fully immersed in these occupations. When men were wounded or killed, when stretchers were carried past, when our troops retreated, when large masses of the enemy were seen through the smoke, no one paid any attention to these circumstances. But when the artillery or cavalry advanced, or movements of our infantry could be seen, approving remarks could be heard on all sides. But the greatest attention was accorded to totally extraneous events, which had no relation to the battle. It was as if the attention of these morally exhausted men found rest in these ordinary everyday events. An artillery battery was passing by in front of the regiment. The outrunner of one of the artillery caissons stepped over a trace. “Hey, that outrunner! … Put it right! It’ll fall… Eh, they don’t see it! …” men shouted from the ranks all through the regiment. Another time, general attention was drawn to a little brown dog with a stiffly raised tail, who, coming from God knows where, trotted out in front of the ranks with a preoccupied air and, when a cannonball suddenly hit close by, squealed and dashed off, its tail between its legs. Guffaws and squeals came from all over the regiment. [War and Peace, salin (2007) nina Richard Pevear and Larissa Volokhonsky]

Ordinaryong-bagay ang naisalarawan, ngunit may matingkad na temang makikita dito: ang sikolohikal na hila ng (maliliit at halus di-pansing mga aspeto ng) ‘karaniwang-buhay’ sa panahon ng Ligalig (o karanasan ng nagpapatuloy na Gipit at Hirap). Dayalektika ng Karaniwan: sa isang banda, mistulang kanlungan ito na mapapahingahan, upang makapanibagong-lakas, sa ‘labanan ng buhay’; sa kabilang banda (ito ang palihis nating pagbabasa kay Tolstoy): maaari din itong magsilbing ‘natural’ na tabing upang ilihis ang atensyon mula sa mas malawak na Kilabot (ng bumabalot na digmaan sa yugtong ito ng nobela). Sa deskripsiyon nga ni Tolstoy: “Kung ang mga tao ay masusugatan o mamamatay, kung ang mga istretser ay dumadaan, kung umaatras ang ating mga tropa, kung masisilip ang bunton ng mga kaaway sa usok ng digmaan, walang pumapansin sa ganitong mga pangyayari (no one paid any attention to these circumstances). [...] Ang mas higit na humihila ng kanilang atensiyon ay ang mga kaganapan na lubusang hiwalay sa nangyayaring digmaan (totally extraneous events, which had no relation to the battle).” 

Sa isang tula ni Breughel, pinagtabi niya ang Di-Karaniwan (na kilabot sa buhay ng tao) at ang Karaniwan (halimbawa, karaniwang buhay-aso): ang pagkakasabay ng ‘nakakapangilabot na paghihirap’ habang ‘ang mga aso’y magpapatuloy sa kanilang buhay-aso’.

Ang kabilang-mukha ng ‘karaniwang-buhay’: di kaya may mga aspeto ng buhay-lipunan kung saan may di-inosenteng kaugnayan ang larawan ng ‘karaniwang-aso’ sa (panlipunang) ‘paghihirap’? Ibig sabihin: paano kung dito rin mismo sa nakakabighaning ‘karaniwang-buhay’ (ng ‘karaniwang-tao/aso’)—at ang ‘karaniwang-aso’ bilang icon ng buhay-na-lubusang-hiwalay-sa-(magulong)-pulitika—makikita ang dahilan kung bakit makuha pa ring kayanin ng taumbayan ang mga ‘nakakapangilabot na paghihirap’ ng kasalukuyang buhay, at hayaan itong magpatuloy.

Ang puwang ng ‘karaniwang-buhay’ bilang ‘kanlungan-pahingahan’ ay maaari ding gawing puwang upang (tuluyang) ‘mamahinga’ sa ‘magulong buhay’ (ng tunggaliang pulitikal)—o mas tumpak, managinip na merong ganitong puwang na mapupuntahan: isang buong-buo at di-pulitikal na puwang sa larangan ng buhay at lipunan (at kung di pa makita sa Ngayon ay isiping iiral ito sa Hinaharap). (Maaring balikan: Enjoy Capitalism)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>