Posted in October 31, 2010 ¬ 10:10 amh.wamal
Hindi ito fotograpiya. Baka isang tipo ng madramang payo. Mga dalawa o tatlo: (1) Mabisa ang mga di-tao. May pagsisikap sila ditong maitayo sabay ang Logics of Worlds at ang walang-kaparang Etsa-Puwera—pansinin ang dalawang kapitulo nitong huli: ‘Ang Paghahanap sa Wala’ at ‘Kuwentong Wala’. Maraming mga hindi-makatitindig-ng-maayos kung wala itong dalawang mahilig-sa-librong mga tila-komikong entidad. (2) Kailangan ang tamang pantabi. [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 31, 2010 ¬ 9:50 amh.wamal
Si Costello bilang pop-musikerong pantabi kay Lacan. Mukhang makapangiti ito. Pero bakit hindi? Matapos birtusong kantahin, at salungguhitan, ang dayalektika ng Tagpas at Himagsik—ano pa nga ba itong kantang TKO (Boxing Day)?—may iba pa bang nakapansin, dahil sa matalas na matang-t(umat)agpas, kundi si Costello: tinagpas ng Kapital ang slum/ber, ang numb/er, and cut/ie, at masalamangkang [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 30, 2010 ¬ 9:19 pmh.wamal
Hindi ko na maalala kung saang aklat ko nakita ang kuhang-larawan sa ibaba—taong 1963, noong si Ginsberg ay nasa India—ikonikong fotograf ng mitikal na tema ng tao-at-di-taong tagpuang-kamay. Kung hindi ako nagkakamali, halus kasabay na panahon ito (dekada-60) ng popular ding larawan ni Goodall at ng batang Gombe chimp (baka si Fifi o si Faben, [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 29, 2010 ¬ 12:54 pmh.wamal
Kinanta ni Costello ang papel ng mga larawang-isip sa totoong-buhay (at ang kanilang dayalektika): (Imaginary) Di mo ito masikmura/nang ang totoong buhay/ay nagiging pelikula. (Symbolic) It’s real life/you don’t want to look/’cause you’ve seen the film and read the book. (Real) With all the will in the world/Diving for dear life/When we could be diving [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 29, 2010 ¬ 12:42 pmh.wamal
Hindi: Itim/Puti. Kundi: Itim/di-Itim. O di kaya: Itim kontra Kahon! Ang salungatan ng di talaga magkatugmang mga bagay. Mabigat ang anumang tunggalian: ngunit kahit paano ay makahulugan pa rin ang salungatan kung nasa tugmang larangan ang mga bagay na magka-kontra. Itim kontra Puti: kahit paano, pareho silang mga kategorya ng kulay. Ngunit untul na [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 29, 2010 ¬ 12:41 pmh.wamal
Nasa ibabang dalawang kwadro na tayo (makikita sa itaas) ng popular na sexuation formula nitong kahon ni Lacan. Ang bahaging ito ang kailangan natin ngayong ipaliwanag. Palihis na pagbabasa kay Lacan! Babaguhin natin ang kadalasang presentasyon-paliwanag sa mga simbolo at ugnayang makikita sa kahon. Nauna nating binasa ang bahaging ito bilang Master-Naratibo ni Lacan sa galaw ng [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 29, 2010 ¬ 12:40 pmh.wamal
Dalawa, at dalawa lamang, ang posibleng aksiyoma/axiom—ang posibleng pag-uumpisahan ng pag-iisip—kung iisipin ang ideya ng ‘kabuuhan’ (ang lahat-lahat/totality, o di kaya ang buod/essence ng kahit anong bagay o entidad). Tandaang ito ay patungkol sa aksiyoma, kaya hindi ito maaaring bigyang pruweba (kahit pa may ‘bitag’ dito, na ipapakita sa dulo). Tuloy tayo sa pagtalakay nitong aksiyoma. [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 29, 2010 ¬ 12:39 pmh.wamal
Makikita ng isang magbibigay-panahon sa tinatawag na sexuation formula na masinop at siksik ang pormala-iskimang ito ni Lacan. Madalas gamitin ito ni Zizek upang ipaliwanag ang ilang Hegelyanong mga punto. (Maraming istilo, bersiyon, at gamit ang Lacanistang pormulang ito. Tingnan, halimbawa, ang isang palihis na gamit dito sa sexuation formula.) Gagawan natin ngayon ng pisikal na deskripsiyon [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 25, 2010 ¬ 8:19 pmh.wamal
Narito ang links para sa buong set ng klasikong Capital ni Marx: Volume One (djvu file: i-download dito ang djvu-reader installer), Volume Two (pdf), at Volume Three (pdf) (Penguin Classics). At may mga naunang posts tungkol sa abstraksyon at lapit sa pagbabasa ng Capital ni Marx: Toothache and Mathematics, Start with chapter 3!, How to read Marx (and Lacan).
Read the rest of this entry »
Posted in October 25, 2010 ¬ 8:05 pmh.wamal
Paano basahin ang magnum opus ni Marx. Dahil siksik sa abstraksyon (tingnan ang ideya ng abstraksyon dito sa naunang post) ang panimulang bahagi ng Capital ni Marx (bagay na nagpaiba dito sa tila napaka-konkreto at puno ng sentido-kumong mga obserbasyon ng Wealth of Nations ni Adam Smith), interesanteng makita ang magkaibang-magkaiba ring pagtingin dito ng dalawang Marxista, si [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 25, 2010 ¬ 10:42 amh.wamal
Narito ang dalawang klasikong akda ni Alfred North Whitehead: Science and the Modern World (1925) at An Introduction to Mathematics (1911). Ang napakahalagang papel ng abstraksyon ay binigyang-diin dito sa pangalawang akda (Introduction to Mathematics), isang maiksi at siksik na paliwanag sa istilo at mga batayang elemento ng matematikal na pangangatwiran. Maraming matitipid na pahina ng mga kasalukuyang teksbuk [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 17, 2010 ¬ 10:56 pmh.wamal
Jean-Luc Godard, Nouvelle Vague (1990) Dahil multi-linggwal ang pelikulang Nouvelle Vague (kaya napakalaking-tulong nitong istilo ng subtitling), ang matapang na boses ng isang babae na maririnig dito ay talagang nasa wikang Portuges: [Time 33:09-33:11] Deixar o amor; estudar matemática. Kaya ang tila mas tumpak dito ay, Leave love, study mathematics. At ang angkop-sa-kontekstong salin ay: Iwanan ang romantikong [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 17, 2010 ¬ 3:18 pmh.wamal
Naghintay kami ng taxi papuntang Butterfly Farm, na makikita malapit sa may diversion road papuntang Davao International Airport. Malayo ito mula sa bahay at walang pumupuntang pampublikong dyip. Gusto kasing tingnan ni Tungaw ang ilang (alternatibong) bayolohikal na gamit nitong naiwaksing shell (chrysalis) ng mga paro-paro, at mas madaling makakolekta ng mga ito sa mga butterfly farms ng Davao. May ilang nakaparadang [...]
Read the rest of this entry »
Posted in October 17, 2010 ¬ 8:05 amh.wamal
Natanong ko sa aming kasamang Tagabawa, noong madaanan namin ito (tingnan ang naunang larawan), kung anong kakaibang gamit-ritwal ang konektado sa istruktura, dahil nasa gitna ito ng isang kaingin. Laruang machine gun pala ng mga batang Bagobo! At may kung anong kampo pa sila sa unahan nito. Dahil may elektrisidad na (dito sa ika-21 siglong interyor, [...]
Read the rest of this entry »