Dialectical Biology

 

Isa pang napakagaling na eksena ng kahanga-hanga at humahamon-pasensiyang Nouvelle Vague (1990) ni Godard ang nangangailangan ng isang pagtatabi upang makita ang buong talas nito: Godard at Lewontin. (Nandito ang naunang diskusyon sa pagtatabi bilang dayalektikal na metododito naman ang babala/mungkahing-lapit sa kakaibang pelikulang ito.)

Ganito ang sequence ng shots bago ang magandang larawan sa itaas: (1) ang katagang Latin, Veni Creator, sa itim na background, (2) boses A:

Sasabihin ko
ang iba pang bagay na aking nakikita. (I will tell of other things I perceived.)

(3) boses B:

We plot within set E
an algebraic structure
by combining two variables: x and y of E,
which corresponds to a third: function x, y.

(4) unti-unting lalabas sa ibaba ng frame ang isang kotse, at bago ito makarating sa gitna ay sasalubong naman mula sa unahan/kaliwa (pansinin ang dilim-kaliwa : liwanag-kanan sa heyometriya ng larawan) ang isang nagbibisekleta at ang pangalawang kotse … (kailangang mapanood talaga ito upang lubusang makita ang nakakabusog-matang eksena, na magpapaalala rin sa iyo sa pisika ng nagtatagpuang bagay).

Dito kakailanganin si Lewontin: ano pa nga ba ang tinutukoy ng boses kundi ang differential equation! Ang Nouvelle Vague ang tila Gravity’s Rainbow ng Pelikula: kung ang Poisson distribution ang matematikal na buto sa sining ni Pynchon, itong differential equation ang kay Godard.

May radikal bang elemento ito? Matagal nang iginigiit ng bayolohista/Marxistang si Richard Lewontin ang matalas na gamit ng coupled differential equation upang mas maunawaan ang totoong dinamiks ng ebolusyon. (I-klik ang equation sa itaas para sa mabilisang paliwanag; mas magaling kung bigyang-panahon at mabasa ang kanyang akdang The Triple Helix—lalong-lalo na ang chapter 3, Parts and Wholes; may nauna ring pag-banggit/gamit dito kay Lewontin, kahit medyo nalumaan na.)

Isinatula ni Godard ang konsepto ng dayalektika—at dahil matingkad ang papel ng kapaligiran/kalikasan sa Nouvelle Vague, pwedeng isiping papuri na rin ito kay Lewontin.

Singit na tanong: ano ang kaugnayan ni Marx kay Darwin? Bilang paglampas sa simplistikong pormulasyon—at sa ibang okasyon ay simpleng mali—ng ebolusyunaryong teorya sa maraming ‘Marxistang’ gawa, ngayon higit kaylanman dapat seryosong pag-aralan ang mga susing akda nina Richard Lewontin (isa pang popular na set ng mga essays, Biology as Ideology) at Stephen Jay Gould (Wonderful Life, The Structure of Evolutionary Theory). Ang papel ng contingency at randomness ay matiyagang isina-teorya sa totoo at radikal nitong anyo sa kanilang mga obra.

Henyo ni Godard ang pagbabalot sa bayolohikal/matematikal na eksenang ito sa isang kataga (Veni Creator/Come Creator) na may alusyon sa isang klasiko, ika-9-siglong himno ng Kristiyanismo, Veni Creator Spiritus: isang kumpas rin sa komposisyon ni Mahler. (Hanapin sa torrent ang buong Symphony No. 8 in E-flat major—ngunit kung nagmamadali ka, dito ang kanyang naunang dalawang piyesa: Veni, Creator Spiritus/1:30mins, Imple superna gratia/4:25mins.) 

Kaya ganito ang buong areglo ng eksena: parang ritwal na tinawag muna ni Godard ang—paano pa nga ba ito papangalanan—ispiritu santo bilang pambungad sa selebrasyon ng ‘dayalektika’. (Maalala ang papel kapwa ng ritwal at matematika sa rebolusyunaryong kalinangan, na sinalungguhitan kamakailan ni Zizek: may naunang diskusyon dito.)

Kaya sa huli, pakinggan itong isang tipikal na birong-Zizek (mula sa kanyang Living in the End Times):

The God we get here is rather like the one in the Bolshevik joke about a talented Communist propagandist who, after his death, finds himself sent to Hell. He quickly sets about convincing the guards to let him go to Heaven. When the Devil notices his absence, he pays a visit to God, to demand that the propagandist be returned to Hell. However, as soon as the Devil begins his address, starting with “My Lord . . .,” God interrupts him, saying: “First, I am not your Lord but a comrade. Second, are you crazy for talking to fictions—I don’t even exist! And third, be quick, otherwise I’ll miss my Party meeting!” This is the kind of God needed by the radical Left today: a God who has fully “become a man,” a comrade amongst us, crucified together with two social outcasts, who not only “does not exist” but also knows this himself, accepts his own erasure, passing over entirely into the love that binds all members of the “Holy Ghost,” that is, of the Party or emancipatory collective.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>