Archive for February, 2011

Vopros

вопрос вопросом вопросу вопроса вопросе вопросов вопросы вопросами vopros voprosom voprosu voprosa voprose voprosov voprosy voprosami Sa dami ng beses ng pagkabanggit—161/29,264 = .00550 = .01—masasabing simptomatiko ang katayuan ng katagang vopros—tanong—sa kabuuhang teksto ng Ruso-wikang akda ni Lenin na ГОСУДАРСТВО И РЕВОЛЮЦИЯ, Gosudarstvo I Revolyutsiya/State and Revolution (1917). Simptomatiko ng ano? Ng napakahalagang tensyon dahil [...]

Read the rest of this entry »

Paglansag-Pagpanaw

May salin na sa Ingles ng bago at siksik na sanaysay ni Alain Badiou (2011) tungkol sa mga pagkilos sa Tunisya at Ehipto (Tunisie, Egypte : quand un vent d’est balaie l’arrogance de l’Occident, English translation). Ang kritikal na konseptong le dépérissement de l’Etat (decline o withering of the state) ay isinalin dito bilang failing [...]

Read the rest of this entry »

Paglansag/Pagpanaw

Sa masarap-basahing sanaysay-rebyu ni Terry Eagleton (Indomitable, 2011) sa bagong akda ni Eric Hobsbawm (How to Change the World: Marx and Marxism 1840-2011), binanggit nito ang Trotskyismo bilang ‘isa sa pinaka-mayabong na sanga ng modernong Marxismo’ (one of the most fertile currents of modern Marxism). Malamang na ang akademikong larangan ang iniisip dito ni Eagleton, [...]

Read the rest of this entry »

Contagion

‘Kumakalat na parang isang nakakahawang sakit’, ito ang isang mababasang metapora para sa mga kasalukuyang pag-aalsa (uprising, revolution) sa MENA (Middle East and North Africa). Tingnan ang mga metapora sa ilang pagbabasa ng mga kaganapan sa mundong Arabo: (contagion) ‘pagkahawa sa pamamagitan ng pagkadikit sa isang maysakit o sugat’ (Roubini); (contamination) ‘nahawaan’, ‘nalalinan’, o ‘nadumihan’ (binanggit [...]

Read the rest of this entry »

Sense-making

Pag-unawa: pagbigay (o ‘paglikha’/making) ng katuturan, kabuluhan, saysay, kahulugan, at halaga sa entidad na nasa ating harap. Ang making sense ay, sa literal, ‘paglikha ng pandama’ (sa isang entidad). May mga lapit, istilo o paraan ng pagtingin (ways of seeing) o pag-iisip, katulad ng mga metapora, na halus-espontanyo nating inilalapat sa mga ‘bagay’ o entidad [...]

Read the rest of this entry »

Re-inscription

Kasabay ng pagputok ng isang mahalagang kaganapan—katulad ng mga dramatikong serye ng pag-aalsa sa halus magkasabay na yugto—ay ang kahalagahang basahin ito: ang imperatibo na unawain paloob ang isang penomenon, gawan ng partikular na lapit, mangahas na pangalanan ang kakaibang ‘anghel’ o ‘halimaw’ na lumitaw sa eksena ng kasaysayan. (Tingnan, halimbawa, ang diskusyon tungkol sa [...]

Read the rest of this entry »

G-Zero

Interesanteng tingnan itong G-Zero na tesis—may power vacuum ngayon sa global na kaayusan dala ng matinding ekonomiko-pulitikal na panghihina ng Amerika/Estados Unidos at, dahil dito, lalala ang pang-ekonomiyang kompetisyon at tunggalian ng mga bansang sakop ng G-20, na magreresulta sa mas delikadong global na kaayusang heopulitikal—nina Ian Bremmer at Nouriel Roubini (A G-Zero World; may 25-minutong interbyu [...]

Read the rest of this entry »

Head

Read the rest of this entry »

Fields

May interesanteng pagsusuri ang ilang mananaliksik sa panlipunang kasaysayan ng disiplinang antropolohiya (lalo pa sa loob ng Amerikanong tradisyon) at nabigyang-diin muli dito ang tema ng kumplikadong relasyon ng mga agham/kaalaman sa mga istruktura ng kapangyarihan: Michael Barker (2010), Foundations and Anthropology in the US David Price (2009), The Intersection of Anthropology and the Military/Intelligence Community Bisitahin ang site na ito: [...]

Read the rest of this entry »

Upsurge

Mas napapalaliman ngayon ang ilang dimensiyon ng mga pulitikal na sigwa sa mundong Arabo. Narito ang ilang mga pagbabasa sa popular uprising/revolution ng Egypt (na maikukumpara sa maraming naunang mga pagbabasa—dito ang links): Feb 15: Samir Amin, What Is Happening in Egypt Feb 15: Michael Barker, A Warning for Egyptian Revolutionaries Feb 16: James Petras, Egypt: Social Movements, the [...]

Read the rest of this entry »

Seamus at ang Bata-Palaka

Isang napakaganda, nakakaaliw na tula tungkol sa atraksiyon at sindak ng kalikasan sa mata at karanasan ng isang bata ang maririnig mula sa Nobelistang taga-Ireland na si Seamus Heaney. Bago magpatuloy, pakinggan dito ang kanyang pagbasa ng “Death of a Naturalist” (tula mula sa kapareho-titulong akda, 1991) 1.47mb, mp3 file. At makikita dito ang kalipunan ng kanyang mga [...]

Read the rest of this entry »

Al Jazeera (and political Woodstock)

Maraming interesanteng pag-aaral—sa papel ng teknolohiya ng satellite television—ang makikita sa akdang The Al Jazeera Phenomenon: Critical Perspectives on New Arab Media (2005, inedit ni Mohamed Zayani). Sinuri ng ilang Arabong iskolar ang epektong dala ng tinatawag nitong new Arab mediascape sa dinamiks ng public sphere. Malaki ang papel ng baseng-Qatar na Al Jazeera sa paghubog ng [...]

Read the rest of this entry »

State (and Messiaen)

Kulang nalang binyagan na isang Badiou-tipong event ni Zizek ang penomenong Tahrir Square sa kanyang 10 Pebrerong sanaysay na nagbukas sa punto na may anyong ‘himala’ ang kaganapan—’para bang ang pag-aalsa (uprising) ay hindi simpleng resulta ng mga panlipunang kadahilanan kundi interbensiyon ng isang misteryosong tagapag-ganap (intervention of a mysterious agency) na pwede nating tawagin, sa Platonikong paraan, [...]

Read the rest of this entry »

Cairo: 18th and 9th

Tila nasa Wikipedia pa rin (Egyptian Revolution of 2011) ang mabilis at masinop na sumada-timeline (at portal para sa iba pang interesanteng links) ng mga pangyayari mula 25 Enero hanggang 11 Pebrero. Anibersaryo rin ng ’1979 Rebolusyong Iran’—pagbagsak ng rehimeng Shah dahil sa malakas na protestang popular—ang ika-11 ng Pebrero. Maalala ang ika-9 araw ng protesta (2 Pebrero) dito:

Read the rest of this entry »

Tahrir Square, 11 Feb 2011

Hosni Mubarak resigns—and Egypt celebrates a new dawn (Guardian UK) Feb 9: Peter Hallward, Egypt’s popular revolution will change the world Feb 10: Slavoj Zizek, For Egypt, this is the miracle of Tahrir Square Feb 11: George Katsiaficas, The Eros effect comes to Cairo  Feb 11: Simon Tisdall, Out of Egyptian protests a new Obama [...]

Read the rest of this entry »