A2K
Hindi puwedeng hindi open access ang napakagandang akdang ito—Access to Knowledge: In the Age of Intellectual Property (MIT, 2010)—na komprehensibong tumatalakay sa kritika at alternatibo nitong dominanteng intellectual property rights/protection (IPR/IPP). Ang nilalayon ng mga kontributor ng akdang ito ay ang pagpapalawak ng kilusang A2K (access-2-knowledge) upang ambag sa pagpapalawak at pagdepensa sa global na information commons at ng buong (pwedeng tawaging) commons-sphere.
Hindi totoo na laging may positibong korelasyon ang pagpapairal ng IPR at ang panlipunang kagalingan. Ganito ang ipinapalagay ng mga pro-IPR/IPP na lohikal na dugtong: IPR/IPP→insentibo para doon sa mga lumilikha (dahil nababawasan ang ‘pamimirata’)→dadami ang mga imbentor/manlilikha→mas magiging produktibo at masagana ang lipunan. Isina-dayagram ng akda ang ilang senaryo upang masagot ang maling-puntong IPR/social welfare na korelasyon:


Ilan sa mga interesanteng sanaysay/pag-aaral nito ang mga sumusunod (maaaring i-download isa-isa ang mga artikulo sa ibaba):
Counterproductive Uses of Technology and Law (Roberto Verzola)
The Man Who Mistook His Wife for a Book (Lawrence Liang)
How to Derail the Political Rationales that Impose Strong IPR (Gaëlle Krikorian)
The Figure of the Pirate (Lawrence Liang)
A2K Movements From Medicines to Farmers (Susan K. Sell)
Using Law to Promote Access to Knowledge (Sean M. Flynn)
Limitations and Exceptions to Copyright (Vera Franz)
Access, Incentives to Investment, and Freedom to Innovate (Spring Gombe and James Love)
Future A2K: Visions and Scenarios

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.


