Pagbabasa

Gawan natin ng paglalagom ang ilang naipalabas na mga obserbasyon/pagbabasa tungkol sa mga kilos-pulitikal ng kasalukuyang panahon (Inglatera, Tunisya, Ehipto, Gresya, at ilan pang lugar): 

(1) May rekognisyon na bahagi ng isang mahalagang sosyo-historikal na yugto ang mga kilos-protestang nagaganap ngayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo—(a) ‘pangalawang alon ng mapagpalayang pagkilos’ (Amin); (b) panahon ng mga ‘pulitikal na kaguluhan’/riot sa pagitang-yugto/intervallic period ng emansipatoryong kasaysayan: na nagbubukas rin ng mga bagong organisasyonal na anyo (Badiou, Zizek, Hallward); (c) paglitaw sa entablado ng kasaysayan ng isang ‘bagong sosyolohikal na tipo’ na may espontayong anti-establisyementong asta (walang-trabahong mga gradweyt na babad sa tekno-network ng social media) (Mason), (d) panimulang-panahon ng mas matibay na praktika ng ‘demokrasya’ lampas sa simpleng elektoral na dimensiyon nito, mga ‘demokratikong pagkilos’ na magkokorekta rin sa mga kalabisang dala ng free market capitalism na ideolohiya, na lubusang nahubaran matapos ang financial crisis noong 2008 (Stiglitz).

(2) Nabibigyang-pansin ang interseksiyong middle-class-youth/unemployment/social media technology bilang nodal catalyst sa mga pagkilos: ang papel ng pang-gitnang-uri (lalo na ang mga kabataang sektor nito), ang kanilang walang-kasiguruhan sa pang-ekonomiyang sitwasyon (unemployed graduates), at ang pagkababad nila sa teknolohiya ng impormasyong-internet at social network na siyang mahalagang daluyan para sa kanilang politisasyon—(a) na lumilikha ng mga horisontal, anti-hirarkikal na espontanyong ideolohiya (Mason)—maaaring tingnan ang ilang panlipunang pag-galaw dito sa prisma ng ‘epidemyolohiyang sosyal’ at memetics: sinasalungguhitan ito nitong napalutang (halus ‘entidad’) na protest “memes” (potent at pop na mga imahe, susing-kataga, affect-charged na mga larawan) na mabilisang lumalaganap (may cascading effect)  sa isang partikular na sektor na aktibo, plugged-in, sa cyberspace (sinasabing 1 in 5 Tunisians is on Facebook) ngunit marhinalisado sa pang-ekonomiyang buhay (ang ekonomiya-cyber-culture na dayalektika ng isang partikular na uri/sektor); (b) mga eksperimental na anyo ng kolektibong pagkilos lampas sa isang pormalistikong ‘demokrasya’ (Hallward); (c) mga dramatikong kaganapan (katulad ng penomenong Wikileaks) na kung walang matatag na pag-ugnay sa mobilisasyon ng mga uring-manggagawa at magsasaka—na nananatili bilang haliging mga uri sa maraming panlipunang kaayusan—ay sabay ring magpapapurol sa rebolusyunaryong potensyal nito (Amin).

(Kaugnay nitong nababanggit na papel ng social media, tingnan itong interesanteng komentaryo: Is Facebook a Human Right? Egypt and Tunisia Transform Social Media. At isang pambukas na pag-aaral sa papel ng Facebook sa lipunang Pinoy: On the face of Facebook: Historical Images and Personhood in Filipino Social Networking.)

(3) Sa pinakamalawak na implikasyon, nakataya sa mga pagkilos na ito ang katatagan ng Euro-Amerikanong hegemonya (‘Hilaga’)—kasabay ng liberalismong ideolohiya—at kaya mauunawaan bakit kadikit ng mga balita sa kasalukuyang kilos-pulitikal (ng ‘Timog’) ang litaw at tagong manipulasyon ng mga metropolitang sentro ng pulitiko-ekonomikong kapangyarihan (Amin, Ali, Chomsky, Zizek, Badiou).

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>