Paglansag/Pagpanaw

Sa masarap-basahing sanaysay-rebyu ni Terry Eagleton (Indomitable, 2011) sa bagong akda ni Eric Hobsbawm (How to Change the World: Marx and Marxism 1840-2011), binanggit nito ang Trotskyismo bilang ‘isa sa pinaka-mayabong na sanga ng modernong Marxismo’ (one of the most fertile currents of modern Marxism).

Malamang na ang akademikong larangan ang iniisip dito ni Eagleton, kung saan magandang tingnan ang kasaysayan ng tinatawag na New Left (mula sa maaagang mga ugat nito hanggang sa mga pagbabago sa loob ng dyornal na New Left Review) at ang kaugnayan nito sa ilang hibla ng mga ideyang tumugon sa anti-burukratikong kritika ni Trotsky sa moda ng sosyalistang pamamahala (socialist mode of governance, tingnan ang praseng ito dito) sa ilalim ni Stalin. (Tingnan dito ang sanaysay ni Paul Blackledge, The New Left’s renewal of Marxism, 2006).

Tila indikatibo ang Trotsky-praseng isiniksik ni Eagleton sa kanyang rebyu sa kasalukuyang interes sa kalikasan (at bagsik) ng estado/state. Mas napapatingkad ang pokus sa estado (bilang penomenon) at sa marahas na balangkas nito sa tuwing may nagaganap na mga dramatikong biswalisasyon (TV/internet coverages) ng kanyang tekno-militaristang kapangyarihan: mula Desert Storm-tipo ng imperyalistang pananalakay hanggang sa istilo ng pagkilos ng Libyanong estado sa harap ng mga protesta at ang ilang masalimuot na anggulo ng brutalidad nito (tingnan: Gaddafi vows to crush protestersAnti-terrorism and uprisings, at Qaddafi and the Left).

Sa isang palihis na pag-alala sa mga karanasan sa ilalim ng mga sosyalista/sosyal-imperyalistang estado—at paglingong-muli sa 1989!/Velvet Revolution—naigigitna ngayong muli ang dayalektikal na tensyon nitong dalawang kritikal na mga konsepto ng Marxistang tradisyon: ang konsepto na unang binigkas ni Engels, ang ‘pagpanaw ng estado’ (ang klasikong linya sa Ingles na withering of the state→Engels, 1877-1888, Anti-Duhring: Der Staat wird nicht »abgeschafft«, er stirbt ab = [1947 salin ni Emile Burns] The state is not “abolished”, it dies out) at ang konsepto na unang binigkas ni Marx, ang ‘diktadurya ng mga manggagawa’ (ang klasikong linya sa Ingles na dictatorship of the proletariatMarx, 1875 [Kritik des Gothaer Programms/Critique of the Gotha Program]: die revolutionäre Diktatur des Proletariats = the revolutionary dictatorship of the proletariat; tingnan rin, 1852 Marx to Joseph Weydemeyer).  

Ang dalawang Aleman-wikang konseptong ito—[1852/1875] ‘diktadurya ng proletaryat’ (ni Marx) at [1877/1888] ‘pagpanaw ng estado’ (ni Engels) ay sistematikong nagtagpo [1917] sa Ruso-wikang akda ni Lenin, ang Gosudarstvo i Revolyutsiya/State and Revolution.

Binigyang-diin ni Lenin na tanging sa pamamagitan lamang ng isang transisyunal na yugto ng ‘diktadurya ng proletaryat’ (diktatura proletariataDiktatur des Proletariats) maaaring mangyari ang ‘pagpanaw’ o ‘pagkabura/ekstinksyon (otmiranie←stirbt/sterbenng estado’. Metodolohikal na daan ang diktatura para sa inaadhikang ormiranie ng mapaniil at marahas na estado.

Mas dramatikong galaw-teoretikal ang pagtagpas ni Lenin sa magkadikit na ideya ng pagkalansag-at-pagpanaw (sa loob ng kilos-negasyon): henyo ni Lenin ang matalas na pag-iiba niya sa konsepto (at yugto o proseso) ng: (a) ‘paglansag’ (yee nado razbitʹ, slomatʹ = it must be broken, smashed) ng (burgis na) estado, at (b) ang ‘pagpanaw’ (otmiranie) ng (rebolusyunaryong) ‘estado’ bilang diktadurya ng proletaryat.

Sa puwang na nalikha sa pagtagpas na iyan lumitaw ang simptomatikong tanong tungkol sa anyo ng pamamahala sa delikado-at-puno-ng-pag-asang pagitang-yugto ng Paglansag/Pagpanaw.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>