D.
Binalikan kong muli itong 2007-akda (i-klik ang pabalat para sa ebook) ni DS Wilson noong masilip ko itong super-blog ng may-akda: scienceblogs.com/evolution. Kakalabas lang bilang hardbound nitong Evolution for Everyone noong 2007 (795 baht) at matapos ang siguro isang oras ng pagbubuklat-basa nito sa isang bukstor ng Bangkok ay nagpasya na akong ipagpalit ang ilang hawak-hawak na libro sa pilosopiya at literatura para dito. Puno ng mga kapsulang presentasyon sa mga bagong pag-aaral sa di-tradisyunal na aplikasyon ng Darwinistang pag-aaral ang akda: parang akademikong adbertisment kung paano gawin ang isang Darwinistang antropolohiya at sikolohiya sa mas matinong paraan. Nakakaaliw ang pamagat ng isang kapitulo nito: ”How I Learned to Stop Worrying ang Love Genetic Determinism”. Huwag magpadala sa superpisyal na linya nito: hindi ito pag-endorso sa tradisyunal na kahulugan ng genetic determinism! Lalo pa at otoridad ang may-akda sa mas pinong pomulasyon at modelong matematikal ng group selection sa ebolusyunaryong bayolohiya. Ika-21-siglong ebolusyunaryong pananaw ang nasa mga pahinang ito ng akda ni Wilson.
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.


