Archive for January, 2012

Dangag

Mula sa tuktok-ugpaan (tirahan) ng bundok-Bagang, papasilip pa lamang ang araw sa guhit-tagpuan/abot-tanaw. (Ang dalawang likhang-kataga ang saling-Tagalog sa salitang horizon na makikita sa diksyunaryong-1977 ng Australyanong paring si Leo J. English.) Sa kwento ni Datu Barit ng Barobo, isa sa mga pamayanang Manobo sa tabi ng Ilog Talomo (kaya’t tatawagin silang Matig-Talomo—sa literal, ‘mga taga-Talomo’—halimbawa, ng [...]

Read the rest of this entry »

Teneral

   Bihira yatang makakita ng ipis na kaka-molt lang—kakalabas upang magpanibagong-balat, bagong-litaw na teneral mula sa kanyang ekso-iskeleton (pinaghuhusang balat-iskeleton: exuvia/exubiae)—kaya tinutukan namin ito ni Tungaw isang araw, tamang-tama pagkabalik ko mula sa bayan ni Buburi (balikan: Otaw)! Hinanap ko ang kahong kinalalagyan ko ng ilang mga pamanang-obheto mula sa kung saan-saang sulok-pook na napuntahan/nasiksikan, drower ng kung [...]

Read the rest of this entry »

Exuvia

Read the rest of this entry »

Otaw

Iilang bagay-bagay ang padala sa amin kapwa ng Pantaron at ni Buburi (kaugnay na mga posts: Buburi, Bagang, Bukidnon), pauwi mula sa isang mahabang serye ng lakaran. Nasa itaas ang ilan sa mga ito: mga gamot-ugat, mga kakaibang bato, at (sa kanang-itaas), mala-anting-anting na nakabitin sa baliog (kuwentas) ni Buburi, ukit-tao (otaw) galing sa dalawang piling [...]

Read the rest of this entry »

Bukidnon

Sa punto-de-bista ng Pantaron (at sa daigdig rin ng makatang si Buburi) iisang lupalop ang bahaging ito ng Bukidnon at ang bahaging Talaingod ng Davao del Norte: ikaw ay nasa loob pa rin ng kalawakan ng tanu-lupain ng mga Pantaron Manobo na namumuhay sa mga kailogan at kabundukan sa pagitan ng Libuganon at Salug (ng Bukidnon), [...]

Read the rest of this entry »

Bagang

Ganito ang mukha ng hilagang bahagi ng Talaingod Manobong mundo (tanu/lupain, daigdig), isang madaling-araw sa isang tuktok ng bundok-Bagang, isa sa maraming sentro ng mga baloy (bahay; sungobaloy, kabahayan) ng mga tagaritong katutubo. Naituturo mula dito ng ilang nakausap kong Manobo ang ilan pang kabahayan-ingod (‘bayan’) na nakakalat sa iba’t ibang direksiyon palibot sa iyong kinatatayuan. Lahat ng [...]

Read the rest of this entry »

Buburi

Tinawid naming muli ang Pantaron ng dalawang kasamang Manobo upang hanapin si Buburi, palayaw ng mga Talaingod Manobo (Matig-Talomo) sa kanilang magaling na mag-o-olageng (tipo ng naratibong-kanta). Ilang gabi rin naming pinakinggan ang kanyang nakakagulat na bersiyon ng epikong Tolalang at naunawaan ang lalim at sigla—at tuloy-tuloy na pag-gulong ng kasaysayan—ng kalinangang Manobo dito sa gitnang Pantaron [...]

Read the rest of this entry »