Bukidnon

Sa punto-de-bista ng Pantaron (at sa daigdig rin ng makatang si Buburi) iisang lupalop ang bahaging ito ng Bukidnon at ang bahaging Talaingod ng Davao del Norte: ikaw ay nasa loob pa rin ng kalawakan ng tanu-lupain ng mga Pantaron Manobo na namumuhay sa mga kailogan at kabundukan sa pagitan ng Libuganon at Salug (ng Bukidnon), itong huli ang tatawaging Davao River pagdating ng kanyang agos sa ibaba-dulong bahagi nito.
Sa epikong Iinayong-gayon na kinanta sa amin—sa loob ng maraming serye ng mga gabi: siyam, at natapos ito mula alas-9 ng gabi hanggang ala-3 ng madaling araw!—ng isa pang mag-o-olageng ng mga Pantaron Manobo, nababanggit ang lipi ng baganing si Tolalang (ng epikong panahon) na naninirahan ‘sa limang kailogan’ ng Manobong lupain.
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

