Teneral

  

Bihira yatang makakita ng ipis na kaka-molt lang—kakalabas upang magpanibagong-balat, bagong-litaw na teneral mula sa kanyang ekso-iskeleton (pinaghuhusang balat-iskeleton: exuvia/exubiae)—kaya tinutukan namin ito ni Tungaw isang araw, tamang-tama pagkabalik ko mula sa bayan ni Buburi (balikan: Otaw)!

Hinanap ko ang kahong kinalalagyan ko ng ilang mga pamanang-obheto mula sa kung saan-saang sulok-pook na napuntahan/nasiksikan, drower ng kung ano-anong bato, botelya-ng-mga-ugat-at-langis, mga bahaging-buto ng ilang hayop, at ilan pang mahirap iklasipikang mga bagay. Pagkabukas, nakita ko sa gilid ng isang hugis-piramid na bato (pamana naman ang ideyang ito, pag-iipon ng tatsulok-hugis na mga obheto, mula sa ilang milenaristang kaibigan sa paanan ng Bundok Apo), ano pa kundi, isang puting ipis! Aba meron ba nito, isa kayang albinong ipis? Kaya tinawag ko si Tungaw. Kakahunos na ipis pala.

Ilang minuto pa, unti-unti na itong nagkaroon ng natural-ipis na kulay. Tipo ito ng ipis na may ilang paralel na linya sa kanyang likod, may kakaibang amoy, at mas malapit pa sa kanyang mga ebolusyunaryong kamag-anak (nabubuhay sa mga naaagnas na kahoy) sa hilig nitong ngumatngat ng mga gilid ng mga libro, isang na-transpormang puno. 

Dito ang isang napaka-interesanteng artikulo tungkol sa ebolusyon ng ipis.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>