Ampatuan, Maguindanao
Kuha ang mga larawan sa itaas mula sa dual relief/fact finding mission na ginanap noong ika-23 ng Enero, 2010 bilang paggunita sa nangyaring “Maguindanao (o Ampatuan) Massacre” noong Nobyembre (2009). Ang relief mission ay para sa mga bakwit ng lugar.
Dahil nasa daloy parin tayo ng pag-iisip sa ilang konsepto mula kay Agamben, baka nga may lilitaw na pang-unawa kung itatabi natin ang ideya ng ‘deskripsiyon na walang pook’ sa pook ng Ampatuan, Maguindanao. Tila may ganitong paradox ang isang tukoy na pook: ang tindi ng isang pangyayaring nagaganap dito ay tila nagpapahulagpos sa simpleng pagiging payak na pook nito, at nagkakaroon ito ng kaugnayan sa mga unibersal na tema ng buhay (may isang nakatayong kandila sa gitna ng massacre site at sa gilid nito ay ang panawagang justice). May mga ispisipiko’t natatanging pangyayari na nagiging exemplum para sa matatayog na mga tema, kung kaya’t ang pook na kinaganapan nito ay parang nakakansela bilang simpleng pook—nagiging di-pook—sapagkat mas nangingibabaw sa harap nito ang konseptong pinapahiwatig ng pook/pangyayaring naganap: ang Pook ay nagiging Kahulugan, nagiging parang unibersal na ‘larawan na walang pook’ ang isang matingkad na ‘bagay’ sa ating harapan. Ang bayan ng Ampatuan, Maguindanao—dala ng kahindik-hindik na pangyayaring masaker—ay naging paradigma ng ilang kaugnay na katotohang panlipunan (warlordism, kabulukan ng umiiral na estado, karahasan sa eleksiyon, at iba pa): ang Maguindanao ay hindi nalang isang partikular na pook ng dati nating iniisip na Maguindanao.
Sa Hegelyanong bokabolaryo, ang sensuous-particular na pook na ito ay kaagad isa ring (unibersal na) Konsepto (Begriff, sa teknikal na gamit nito ni Hegel) na natanggal (nadestrungka) sa kanyang kinapopookang sityo. Mababanggit dito na pinag-iba ni Hegel ang natawag niyang ‘makulay na palabas’ ng ‘madamdaming dito-at-ngayon’ [sensuous here-and-now/des sinnlichen Diesseits] (ng Pook) laban sa ‘liwanag ng araw’ (ng Konsepto) [spiritual daylight of the present/den geistigen Tag der Gegenwart].
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.


