Latest Publications

Taga-banwa/Tala-ingod

Ilan pang larawan ng mga Manobo ng Talaingod:

         

Talaingod

Nagkaroon kamakailan ng medical mission sa lugar ng Talaingod (munisipalidad ng Davao del Norte) bilang pagresponde sa nabalitang kaso ng tipdas/tipras sa mga interyor na sityo-komunidad ng mga Ata-Manobo (mga Manobong Matig-Talomo at Matig-Simong). 

Nasa ibaba ang ilang larawan ng isa sa limang sityong nabisita ng apat na team ng misyong medikal. Kahit kinalbo na ng mga legal loggers ang kalakhang bahagi ng kabundukan nito (noong mga dekada 60 pasulong), makikita parin hanggang ngayon, dito sa tuktok ng sityo Sambulungan–ang komunidad ng bantog na si Datu Guibang (link sa mga naunang posts: Gawad Bayani)–ang kadakilaan ng ingod (o banwa) ng mga katutubong Manobo ng Timog Dabaw.

      

Modes of dreaming

  

Sa bagong akda ni Zizek (Living in the End Times, 2010), nabalikan nito ang ‘nakalimutang klasik’ ni John Frankenheimer (Seconds1966).  Ganito ang dayalektikong ‘batas’ na binigyang-diin ni Zizek-cum-Frankenheimer:

In a radical revolution, people not only “realize their old (emancipatory, etc.) dreams”; they have also to reinvent their very modes of dreaming. [...] If we change reality only in order to realize our dreams, without changing these dreams themselves, then sooner or later we will regress to the former reality.

Lennon cartoon

John Lennon/Plastic Ono Band

Tubig-bukal

 

Dito sa bulubundukin at kanlurang bahagi ng baryo Uvoy (bandang likod ng Racujaide) nangagaling ang tubig na iniinum ng mga taga-Diora. Sumama ako kina Manong Ernie (ang nag-iisa na ngayong panday ng tataya ng Diora) at ng kanyang kasama noong tinunton nila ang lugar na ito upang ayusin at linisin ang daan, at tabunan ang ilang bahagi ng nakausling gomang-tubo na siyang dinadaluyan ng tubig mula sa sinalang bukal papuntang sityo. Kasabay ng pagmimintina ng vanua, matamang inaalagaan ng mga Ivatan ang iilang natitirang mga bukal ng tubig ng kanilang isla. Sabi pa ng isang mataw, ang inuming-tubig ang pinakamahalagang bagay na dapat mong dalhin sa laot kung ikaw ay mangingisda.

Kalabaw, Tubo, Palek

  

Kalabaw ang nagpapaikot sa mekanikal na ligisan ng tubo upang mapiga ito, katasin, mapa-ferment, at maging inuming palek (Tag., alak) ng mga Ivatan.

Sinamahan ko si Junjun Fabre ng sityo Diora sa kanilang pastulan ng kalabaw sa bulubunduking bahagi ng Mahatao upang mapuntahan ang kanilang parsela ng tubuhan at ang lugar ng kanilang ligisang mekanikal. Isang binatilyong mataw si Junjun, anak ng isa sa mga matandang pamilya ng Diora.

Mapapansin na isang karaniwang kaayusang pamumuhay ng mga Ivatan ang sabay maging mangingisda at maging magsasaka. Halimbawa, isang mangingisdang mataw si Junjun tuwing kapanahunan ng migratoryong dorado (sa panahong Tag-Araw, Marso hanggang Mayo), at nagtatrabaho naman sa bukid (nagtatanim ng tubo, ubi, at mga gulay) sa kalakhang bahagi ng taon.