Archive for the ‘wamal\wangut’ Category

Lethem/DFW

Si Lethem ang pumalit kay DFW sa kanyang kolehiyo; ang kanyang ginawang Liner Note (sa Fortress of Solitude) sa mga piling kanta ng mitikal na soul-singer na si Barry Rude, Jr. at ang mga komposisyon ng kanyang grupong Distinctions—’kinanta nila ang napakatinding kalungkutang di na halus kayang dalhin nitong pop na midyum’—ay magpapaalala sa iyo sa super-obsesibong deskripsyon ni DFW [...]

Read the rest of this entry »

Lethem/Talking Heads

Isang tipo ng urban-antropolohiya sa nobelang anyo itong Fortress of Solitude (2003). Kung ano ang ginawa ni Chabon sa komiks doon sa kanyang Cavalier-Klay ay ito ang ginawa ni Lethem dito sa pop-musika (‘R&B’, ‘funk’, ‘soul’, ‘hip-hop’, ‘punk’—magalaw ang mga kategoryang ito) sa buhay ng mga kabataang lumaki sa mga kanto nitong malawak, puno-ng-mga-lunggang siyudad, panahong-70s. (Lethem-Franzen-Chabon, [...]

Read the rest of this entry »

Dangag

Mula sa tuktok-ugpaan (tirahan) ng bundok-Bagang, papasilip pa lamang ang araw sa guhit-tagpuan/abot-tanaw. (Ang dalawang likhang-kataga ang saling-Tagalog sa salitang horizon na makikita sa diksyunaryong-1977 ng Australyanong paring si Leo J. English.) Sa kwento ni Datu Barit ng Barobo, isa sa mga pamayanang Manobo sa tabi ng Ilog Talomo (kaya’t tatawagin silang Matig-Talomo—sa literal, ‘mga taga-Talomo’—halimbawa, ng [...]

Read the rest of this entry »

Teneral

   Bihira yatang makakita ng ipis na kaka-molt lang—kakalabas upang magpanibagong-balat, bagong-litaw na teneral mula sa kanyang ekso-iskeleton (pinaghuhusang balat-iskeleton: exuvia/exubiae)—kaya tinutukan namin ito ni Tungaw isang araw, tamang-tama pagkabalik ko mula sa bayan ni Buburi (balikan: Otaw)! Hinanap ko ang kahong kinalalagyan ko ng ilang mga pamanang-obheto mula sa kung saan-saang sulok-pook na napuntahan/nasiksikan, drower ng kung [...]

Read the rest of this entry »

Exuvia

Read the rest of this entry »

Otaw

Iilang bagay-bagay ang padala sa amin kapwa ng Pantaron at ni Buburi (kaugnay na mga posts: Buburi, Bagang, Bukidnon), pauwi mula sa isang mahabang serye ng lakaran. Nasa itaas ang ilan sa mga ito: mga gamot-ugat, mga kakaibang bato, at (sa kanang-itaas), mala-anting-anting na nakabitin sa baliog (kuwentas) ni Buburi, ukit-tao (otaw) galing sa dalawang piling [...]

Read the rest of this entry »

Bukidnon

Sa punto-de-bista ng Pantaron (at sa daigdig rin ng makatang si Buburi) iisang lupalop ang bahaging ito ng Bukidnon at ang bahaging Talaingod ng Davao del Norte: ikaw ay nasa loob pa rin ng kalawakan ng tanu-lupain ng mga Pantaron Manobo na namumuhay sa mga kailogan at kabundukan sa pagitan ng Libuganon at Salug (ng Bukidnon), [...]

Read the rest of this entry »

Bagang

Ganito ang mukha ng hilagang bahagi ng Talaingod Manobong mundo (tanu/lupain, daigdig), isang madaling-araw sa isang tuktok ng bundok-Bagang, isa sa maraming sentro ng mga baloy (bahay; sungobaloy, kabahayan) ng mga tagaritong katutubo. Naituturo mula dito ng ilang nakausap kong Manobo ang ilan pang kabahayan-ingod (‘bayan’) na nakakalat sa iba’t ibang direksiyon palibot sa iyong kinatatayuan. Lahat ng [...]

Read the rest of this entry »

Buburi

Tinawid naming muli ang Pantaron ng dalawang kasamang Manobo upang hanapin si Buburi, palayaw ng mga Talaingod Manobo (Matig-Talomo) sa kanilang magaling na mag-o-olageng (tipo ng naratibong-kanta). Ilang gabi rin naming pinakinggan ang kanyang nakakagulat na bersiyon ng epikong Tolalang at naunawaan ang lalim at sigla—at tuloy-tuloy na pag-gulong ng kasaysayan—ng kalinangang Manobo dito sa gitnang Pantaron [...]

Read the rest of this entry »

Tomas

Sayang. Di pa rin lumusot sa Nobel itong si Tomas Pintson. (Kahit medyo lipas na, OK pa rin balikan ito: Thomas Pynchon makes me giggle.) Natalo siya ng isa pang Tomas (i-klik ang pabalat sa ibaba para sa mga tula ng seryosong Tomas na ito).

Read the rest of this entry »

Kaku

Non-fiction-SF ang bagong akda ni Kaku (i-klik ang pabalat sa itaas para sa pdf). Supersonik ang teksto, mabilis basahin. Unahin ang panghuling seksyon, “A Day in the Life in 2100″. Superfantastik ngunit mahigpit na naka-angkla sa limite/posibilidad ng kasalukuyang siyensya. Maitatapat ito sa pinakamagagaling na mga likha nina Cory Doctorow at Vernor Vinge. Dito ang [...]

Read the rest of this entry »

DFW

Masalita rin ang mga syllabi nitong si David Foster Wallace. Ang ilan sa kanyang mga teaching materials ay maaari ngayong masilip dito sa DFW Archive. Sa isa sa kanyang silabus-nowts (tingnan ang nasa ibaba), ganito ang kanyang napaka-DFW-istilong paunawa: Historically, I’ve given the highest grades to students whose readings of and opinions [...] were different from mine, [...]

Read the rest of this entry »

Bots

Tinawag ni Tungaw ang aking pansin kahapon dahil dito sa isang sayt na kanyang napuntahan. Nakakaaliw “kausapin” ang bot na ito! (I-klik ang icon sa itaas.) Matapang at maloko. Papatulan ka kung murahin mo, o minsan, gagawan ka ng kakatuwang “pagpapaamo”. Ibang-iba ito doon sa super-boring na si Eliza (Eliza Chat bot), na mukhang wala-sa-sarili noong tinestingan kong [...]

Read the rest of this entry »

Frei

Nababanggit ang War and Peace ni Tolstoy sa nobelang Freedom (2010) ni Franzen; pero kahit siguro hindi, ang tangent ng matatayog na tema ng kasaysayan-at-lipunan at ang dinamiks ng domestikong buhay—at mabusising pagtitig sa katayuan ng mga indibidwal na aktor (at, mangyari pa, nitong dalawa pang di-taong aktor: mikro-pulitika ng mga pusa at ibon)—ay magpaalala pa rin sa [...]

Read the rest of this entry »

Franzen’s Kafka

Sa istilo-ng-pagtitig ni Franzen sa mga tauhan ng kanyang nobelang The Corrections (2001)—matutulis, titig-mikroskopyo, minsa’y sobrang-lupit na pagtitig—dinaysekta nito ang sarili dito sa The Discomfort Zone: A Personal History (2006) sa halus kaparehong lente: ang kanyang ‘personal na kasaysayan’ bilang isang middle-class na indibidwal ng huling 20-siglong Amerika. Hindi ito nagustuhan ni Michiko Kakutani (2006, The New York Times)! Sa [...]

Read the rest of this entry »