Lakra

Mga tala at tanong sa di-buong Aghamtao (2009 version) 

Prehistorikong pamayanan sa Indo-Pasipiko

Karaniwang-hayop ng Banwa

Ang tatlong papel na naka-link sa itaas ay mga tangkang-tingin sa mga sanga-sangang tema na dapat pang patuloy saliksikin, lahat bilang dagdag, dugtong (o dapat maidugtong), sa walang-katapusang kyuryusidad sa galaw at pag-uugali ng mga makak sa kagubatan (at di-na-kagubatan) ng Mindanao/Pilipinas.

Makikita naman sa ibaba ang kuhang fotograf ng dalawang matatandang kaluluwa habang nanonood ng ilang pelikula sa bahay.

At sa eksaktong oras at panahon, sa bahay, sa gitna ng panonood ng The Long Goodbye at The Lake Housekailangan talagang basahin kaysa panoorin si Philip Marlowe ni Chandler, dahil maliban sa ilang interesanteng pagbubukas na minuto ng masayang relasyon nitong Marlowe-ni-Altmann at ng kanyang pusang may obsesyon sa isang brand ng delatang pagkain ay nakakaantok na lahat dito—naalala ko na meron palang The Long Honeymoon rin si Costello, parang kontrapuntal kay Chandler—tuloy nalang sa taguang-isip nitong inuulit-panood/binabasang Nouvelle Vague ni Godard: narito na naman dito sa The Long Goodbye ang pangalang Lennox at Contessa, maliban pa doon sa Contessa rin ng The Barefoot Contessa—at sa The Lake House: maaari lamang isipin ng isang nanonood na posibleng magtagpo ang dalawang hiwalay na daloy-panahon kung aalis siya sa kanyang tinitindigang pangatlong panahon at sisingit sa isa sa dalawang daloy—ilang araw matapos umakyat ng bundok, di makuhang magsabay-titig-sa-kamera sina Lamaw at Tungaw, kaya palitan nalang.

 
 

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>