Numb(er) Slum(ber)

Inexactness

Dahil natural na lilitaw, sa mga sangang-daan, ang mga linyang-ugnayan ng mga kumikilos-pulitikal, magkakaroon lagi ng mga udyok upang bumuo ng mga balangkas para sa isang mas matatag na anyo ng ‘organisasyong-pulitikal’. Ang tanong tungkol sa: pagpapatatag ng mga pagkilos, pagbubuo, pagsasaayos. Ang mga kernel-ideya nito ay makikita na sa Latin-porma nitong organize bilang organum/organicus: ‘patungkol sa, o pag-gamit ng, isang mekanikal na instrumento’, ‘isang instrumentong pang-musika’ (kaya maalala dito ang isang sikat na linya ni Mao: learn how to play the piano).

Maririnig mo sa organicus ang dalawang magkaibang tono nitong gawaing pag-’organisa’: (a) ‘mekanikal’, ‘instrumento’ (na baka mas mapadulas doon sa ‘makina’ at ‘martilyo’), at (b) ‘musika’ (na nagpapaalala ng harmonya, orkestra, duyan ng mga huni).

Ano ang ambag nitong ‘organisasyong-pulitikal’ sa mga naririyang (milyon-milyong) elemento ng pagbabago? Una: Maaari itong maging, sa isang banda, hadlang, o, sa kabilang banda, tagapagpabilis sa mangyayaring pagbabago. Pangalawa: sa okasyong may-pagka-di-malinaw kung dito-o-doon liliko, maaari itong maging taga-tibag upang iliko doon ang direksyon ng pagbabago.

Kaya napapanahon ang binuksang tema dito ng isang serye: Forms of organization: A pressing question for communists.

Maaaring balikan ang State and Revolution (at What is to be done?) ni Lenin tungkol dito—ngunit hindi bilang isang sagot kundi bilang isang tanong. (Balikan: Vopros.) Binuksan ni Lenin ang tanong tungkol sa anyo ng pulitikal na organisasyon ng mga naghahangad ng pagbabagong-panlipunan: paano magbibigkis-upang-mas-tumatag ang mga elementong maka-Commune? (Balik-silip: Reading the Present.) Ito ang dakilang tanong ni Lenin tungkol sa pag-iral ng ‘partido’.

At sa puntong ito, napakagandang pagmunihan ang dalawang kritikal na linya sa kanyang teksto (State and Revolution) kung saan napasok si Lenin sa tanong tungkol sa pagiging tumpak/di-tumpak ng dalawang salita/reyalidad: itong ‘partido’ at itong ‘bayan’. Nakakagitla sa kanyang pagkapayak ang presentasyon ni Lenin dito. Tila simpleng terminolohiya ang problema dito ni Lenin: pero hindi ito simpleng problema sa kataga.

Para kay Lenin, ang (ontolohikal na) kondisyon ng isang tapat-sa-kanyang-simulaing ‘partido’ ay ang kanyang pagiging laging-di-mapakali sa kanyang pagiging isang ‘partido’. Sa puntong nagiging kampanteng-kampante na siya sa ganitong kaayusan (may partido!), hindi na ito nagiging totoo sa mapagpalayang simulain.

Ang talagang problematikong nabuksan ay: kung paano talaga uugat (at matutunaw) sa (mga) bayan itong (di-sakto/inexact na) ’partido’. Problematiko rin ito ng paglampas sa napaka-organikong metapora: ng nag-iisip na ‘utak’/ulo at kumikilos na ‘katawan’.

Ang patuloy na pagsulong (evolve/develop in the right direction) nitong (kataga-at-reyalidad na) ‘partido’ ang nakataya.

Pagmunihan ang dalawang punto dito:

(1) The dialectician Engels remains true to dialectics to the end of his days. Marx and I, he says, had a splendid, scientifically exact name for the party, but there was no real party, i.e., no mass proletarian party. Now (at the end of the nineteenth century) there is a real party, but its name is scientifically inexact. Never mind, it will “pass muster,” if only the party develops, if only the scientific inexactness of its name is not hidden from it and does not hinder its development in the right direction!

Диалектик Энгельс на закате дней остается верен диалектике. У нас с Марксом, говорит он, было прекрасное, научно-точное, название партии, но не было действительной, т. е. массовой пролетарской партии./Dialektik Engel’s na zakate dnyeĭ ostaet·sya veren dialektike. U nas s Marksom, govorit on, bylo prekrasnoe, nauchno-tochnoe, nazvanie partii, no ne bylo dyeĭstvitel’noĭ, t. ye. massovoĭ proletarskoĭ partii./«Dialectician Engels, in his sunset days, remained true to dialectics. We have, he said to Marx, an excellent, scientifically exact, name of the party, but it was not valid [dyeĭstvit = real, actual], i.e., there was no mass proletarian party.»

Теперь (конец XIX века) есть действительная партия, но ее название научно неверно. Ничего, “сойдет”, лишь бы партия развивалась, лишь бы научная неточность ее названия не была от нее скрыта и не мешала ей развиваться в верном направлении!/Teperʹ (konets XIX veka) yestʹ dyeĭstvitel’naya partiya, no yee nazvanie nauchno neverno. Nichego, “soĭdet”, lish’ by partiya razvivalas’, lish’by nauchnaya netochnost’ yee nazvaniya ne byla ot nyee skryta i ne meshala yeĭ razvivat’sya v vernom napravlenii!/«Now (in the end of XIX century) there is a real [dyeĭstvit = actual; dyeĭst = action] party, but its scientific name is incorrect [ne verno = not true]. Nothing to worry, it will “come down”, the party will evolve [razvi = development], so long as the scientific inaccuracy of its title is not hidden from it and do not hinder its development in the right direction!»

(2) The only difficulty that may, perhaps, arise will be in regard to terminology. In German there are two words meaning “community,” of which Engels used the one which does not denote a single community, but their totality, a system of communities. In Russian there is no such word, and perhaps we may have to choose the French word ”commune,” although this also has its drawbacks.

Трудность будет, пожалуй, только в термине./Trudnost’ budet, pozhaluĭ, tol’ko v termine./«The difficulty is, perhaps, only in the term. (The only difficulty that may, perhaps, arise will be in regard to terminology.)»

По-немецки есть два слова: “община”, из которых Энгельс выбрал такое, которое не означает отдельной общины, а совокупность их, систему общин./Po-nemetski yestʹ dva slova: “obshchina”, iz kotoryh Engel’s vybral takoe, kotoroe ne oznachaet otdel’noĭ obshchiny, a sovokupnost’ ih, sistemu obshchin./«In German there are two words meaning “community” of which Engels used, which does not mean a single community [otde = separate], but their totality, a system of communities.»

По-русски такого слова нет и, может быть, придется выбрать французское слово “коммуна”, хотя это тоже имеет свои неудобства./Po-russki takogo slova net i, mozhet bytʹ, pridet·sya vybratʹ frantsuzskoe slovo “kommuna”, hotya eto tozhe imyeet svoi nyeudobstva./«In Russian there is no such word, and we may have to choose the French word “commune”, although this too has its drawbacks [inconvenience; nyeudob stva = inconvenient properties; ne udo = does not satisfy; nyeud/nyeudo = unsatisfactory; nyeu = disordered].»

содру/sodru/commonwealth
со дру/so dru/with other
общ/obshch/society
общество/obshchestvo/society
общность/obshchnostʹ/community
община/obshchina/community

Non-archy

Pagkain, panlipunang-uri, at pagkilos-pulitikal: ilang links sa mga interesante at magagamit na mga sanaysay:

«High food prices driving unrest: study» Kompleks ang mga dahilan sa kasalukuyang pagputok ng mga rayot at pag-aalsa—ngunit ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ang siyang nagiging tipping point sa mga pagkilos, ayon sa isang pag-aaral.

«Can the Middle Class Be Saved?» Ano ang magkakaibang epekto ng kasalukuyang krisis pang-ekonomiya sa mga uring-panlipunan ng Amerika? May mga matatalas na obsebasyon sa sanaysay na ito na pwedeng magamit kahit labas sa kontekstong Amerika.

«Writing Resistance» Pagsasa-teoryang-muli ng ilang batayang-pananaw ng kaliwa—at pagsusulat sa magkakaibang mga pulitikal na karanasan—ang kailangan, ito ang panawagan ng sanaysay:

What both of these works leave us with is the necessity not only to continue struggling and building movements, but also to theorize, sum up, and share the lessons of our work with others. Too often, we are so engaged in our day-to-day organizing that we fail to think about how our work connects to our vision of a radically different world. If we take our work seriously, we need not only to think about these questions of revolutionary strategy, but to write about them.

At bisitahin: Institute for Anarchist Studies.

‘The act of sitting down’

Ano ba itong ordinaryong galaw na ‘pag-upo sa isang sofa’? Paano ito isalarawan kung ang umuupo ay may kapansanan (isang 70-taong-gulang na may Parkinson’s)?

Nagiging di-pangkaraniwan ang simpleng penomenon ng ‘pag-upo’ dito sa kaso ni Alfred Lambert dahil sa kanyang kondisyon. Tila nakakasugat sa presisyon (at talas ng pang-unawa) ang larawang binigay dito ni Franzen (sa The Corrections):

In the living room, Alfred was summoning the courage to sit down on Chip’s chaise longue. Not ten minutes ago, he’d sat down on it without incident. But now, instead of simply doing it again, he’d stopped to think. He’d realized only recently that at the center of the act of sitting down was a loss of control, a blind backwards free fall. His excellent blue chair in St. Jude was like a first baseman’s glove that gently gathered in whatever body was flung its way, at whatever glancing angle, with whatever violence; it had big helpful ursine arms to support him while he performed the crucial blind pivot. But Chip’s chaise was a low-riding, impractical antique. Alfred stood facing away from it and hesitated, his knees bent to the rather small degree that his neuropathic lower legs permitted, his hands scooping and groping in the air behind him. He was afraid to take the plunge. And yet there was something obscene about standing half-crouched and quaking, some association with the men’s room, some essential vulnerability which felt to him at once so poignant and degraded that, simply to put an end to it, he shut his eyes and let go. He landed heavily on his bottom and continued on over backwards, coming to rest with his knees in the air above him.

Ano uli ang nakakagulat na linya dito? Ito: at the center of the act of sitting down was a loss of control. Pinaka-ubod nitong galaw na ‘pag-upo’ ang pagkawala ng kontrol.

Ang ‘pag-upo’ bilang pag-bitiw (taking the plunge) sa nakasanayang kontrolado, mapang-hawak na pag-galaw—pagkilos na laging nasa kalawakan ng kamay-na-humahawak (at kaya ‘nagmamay-ari’!: his affliction offended his sense of ownership). Kailangang umupo, kaya: he shut his eyes and let go. 

Sa mikroskopong-sipat ni Franzen sa domestikong buhay (ng mga Amerikanong middle-class, totoo, ngunit ng karaniwang-tao rin sa ibang lebel: ikumpara, Tolstoy at karaniwang-aso), mapapansin rin ang isang sikolohiko-penomenolohikal na ugat ng ‘ideya ng pagmamay-ari’: kamay-bilang-kasangkapan, paghawak/pag-unawa-sa-mundo, kontrol-sa-bagay, pagkapit-upang-hindi-matumba.

Isa yatang buong penomenolohiya ng relasyon ng tao sa kanyang kamay (bilang bahagi ng kanyang Hegelyanong relasyon-sa-sarili) ang nabubuksan dito sa ilang pahina ni Franzen.

Kamay ni Franzen

Dahil sa kanyang Parkinson’s, dramatikong naipapakita sa kondisyon ni Alfred Lambert (sa The Corrections/2001 ni Jonathan Franzen) ang intrinsikong kaugnayan ng graspen/hold-grip at comprehendere/grasp-know—samakatwid, ng ‘isip-unawa/panabot‘ at ‘kamay/kamot‘—sa penomenolohiya ng Euro-Amerikanong kabihasnan, kung hindi man ng Homo sapiens sapiens sa kabuuan. Sa kaso ni Alfred, nagkaroon ng radikal na split ang kamay at isip: tila nagkaroon ng sariling-isip ang magalaw na kamay nito. Tolstoy-sa-presisyon ang deskripsyon dito ni Franzen sa karaniwang-buhay ng isang may Parkinson’s:

His affliction offended his sense of ownership. These shaking hands belonged to nobody but him, and yet they refused to obey him. They were like bad children. Unreasoning two-year-olds in a tantrum of selfish misery. The more sternly he gave orders, the less they listened and the more miserable and out of control they got. He’d always been vulnerable to a child’s recalcitrance and refusal to behave like an adult. Irresponsibility and undiscipline were the bane of his existence, and it was another instance of that Devil’s logic that his own untimely affliction should consist of his body’s refusal to obey him.

Kaya, mula sa isang di-makontrol na kamay ay naging tila pilosopikal ang paglalarawan: ang ‘problema ng pag-iral’ (problem of existence) at ang graspen/comprehendere sa dayalektika ng isip-at-kamay.

Masdan ang ilang beses na pagbanggit dito sa katagang grasp/ungrasp: para kay Alfred, ang buong pag-iral/mundo ay naka-kompres sa simpleng problematiks/metodolohiya ng ‘paghawak (sa mga bagay)’:

But Denise left the kitchen and took the plate to Alfred, for whom the problem of existence was this: that, in the manner of a wheat seedling thrusting itself up out of the earth, the world moved forward in time by adding cell after cell to its leading edge, piling moment on moment, and that to grasp the world even in its freshest, youngest moment provided no guarantee that you’d be able to grasp it again a moment later. By the time he’d established that his daughter, Denise, was handing him a plate of snacks in his son Chip’s living room, the next moment in time was already budding itself into a pristinely ungrasped existence in which he couldn’t absolutely rule out the possibility, for example, that his wife, Enid, was handing him a plate of feces in the parlor of a brothel; and no sooner had he reconfirmed Denise and the snacks and Chip’s living room than the leading edge of time added yet another layer of new cells, so that he again faced a new and ungrasped world; which was why, rather than exhaust himself playing catchup, he preferred more and more to spend his days down among the unchanging historical roots of things.

Tingnang-muli: Basyong-kamay ni Godard sa lumang post.

 

Zizek on riots

Shoplifters, unite! (At dito ang kaugnayan ng punk at riots, at ilan pang links.)

Ngunit paano alpasan ang ‘baog na poot’ (impotent rage)itong ‘inggit na nakamaskara bilang mapagbunying karnabal’ (envy masked as triumphant carnival)na siyang kahulugan nitong 21-siglong mga rayot? Ano ang susing hakbang (kung meron ngang isang susing hakbang) sa kinakailangang ‘pagbubuong-muli ng panlipunang-buhay’ (reorganisation of social life)?

Sa huli, tila nasa ilalim pa rin ng tanda ni Lenin (bilang indeksikong senyal) ang imahinasyon ni Zizek: ang larawan ng partido (kontra limite ng self-organization)—sa organikong metapora ng ‘katawan’ (a strong body) na ‘mabilisang’ makagagawa ng mga ‘malulupit’ na desisyon—ang lumitaw sa dulo ng kanyang pagmumuni:

The situation in Greece looks more promising, probably owing to the recent tradition of progressive self-organisation (which disappeared in Spain after the fall of the Franco regime). But even in Greece, the protest movement displays the limits of self-organisation: protesters sustain a space of egalitarian freedom with no central authority to regulate it, a public space where all are allotted the same amount of time to speak and so on. When the protesters started to debate what to do next, how to move beyond mere protest, the majority consensus was that what was needed was not a new party or a direct attempt to take state power, but a movement whose aim is to exert pressure on political parties. This is clearly not enough to impose a reorganisation of social life. To do that, one needs a strong body able to reach quick decisions and to implement them with all necessary harshness.

Di-Darwin

 

 

 

 

 

 

 

May rebyu si Mary Midgley sa akdang What Darwin Got Wrong (2010) dito. Sinilip ko ang akda ng mabilisan ngayon lang. Dapat pang suyurin ang dalawa o tatlong chapter nito ngayong susunod na mga araw. (Modularity of the Mind/1983 ang unang akdang nabasa ko mula kay Fodor, isang maka-Chomsky. Kontra-Darwin ang pananaw ni Chomsky tungkol sa paglitaw ng wika, kaya baka may koneksyon ang di-Darwinistang direksiyon ngayon ni Fodor.) (Tingnan rin ang nakaraang post: D.)

Ilang interesanteng libro na magandang i-browse (na, sa direkta, ay wala lahat kaugnayan sa akda sa itaas!): Social and Cultural Anthropology, A Very Short Introduction (2000), The Drunkard’s Walk (2008), Ocean of Sound (1995), Punk Rock: So What? (1999).

Isang sanaysay na mapagmumunihan: “Long Live Theory!” Nabanggit dito ang ilang higante ng literatura (sa wikang Ingles, kailangang idagdag, dahil sumagi sa isip ngayon si Bolaño: Pynchon, DeLillo, Franzen).

Pero tila nakaligtaan si David Foster Wallace! Kung hindi mo pa nabasa ang higanteng Infinite Jest (1996)—kailangan talaga yatang sa hard copy basahin ito, dahil higante ito sa kapal (isipin ang War and Peace at Underworld, ang teknikalidad ng Moby Dick at Gravity’s Rainbow, at ang palaboy na pagkukwento ng Don Quixote)—o ang di-natapos na Pale King (2011): pwedeng mag-umpisa dito sa maikli, 6-pahina, sudo-teknikal na kwento, “Backbone”/2011.)

Sanga-sangang mga akda! Balikan natin uli ang rebyu ni Midgley. Ganito ang isang masinop na sipi tungkol sa tanong kung ano ang ipapalit sa ‘seleksiyong natural’ bilang sentrong mekanismo ng ebolusyon:

If we now ask what will take its place, their answer is that this question does not arise. There is not – and does not have to be – any single, central mechanism of evolution. There are many such mechanisms, which all need to be investigated on their own terms.

Snark

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nakakaaliw itong The Hunting of the Snark ni Lewis Carroll. Nakategorisa ito bilang isang nonsense poem, pero dapat sigurong ituring ang nonsense dito sa sentidong Hegelyano: dahil napakatino ng kernel nito lalo pa sa kasalukuyang panahon (1, 2, 3, 4, 5). Tungkol ito sa balintunang paghahanap sa isang bagay na hindi rin matiyak kung ano talaga ito! Snark. At paano gawin ang pangangaso at pagtugis? Pursue it with forks and hope. Ilang mga panungkit at tibay lang ng loob. At blankong mapa!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ano ang pinakamagaling na giyang-mapa sa lahat? Ito ang payo ng matalinong Bellman: wala nang mas gagaling pa (‘Our captain has brought the best) dito sa ‘perpekto at absulutong blanko’. Itaas na ang layag!

D.

 

 

 

 

 

 

Binalikan kong muli itong 2007-akda (i-klik ang pabalat para sa ebook) ni DS Wilson noong masilip ko itong super-blog ng may-akda: scienceblogs.com/evolution. Kakalabas lang bilang hardbound nitong Evolution for Everyone noong 2007 (795 baht) at matapos ang siguro isang oras ng pagbubuklat-basa nito sa isang bukstor ng Bangkok ay nagpasya na akong ipagpalit ang ilang hawak-hawak na libro sa pilosopiya at literatura para dito. Puno ng mga kapsulang presentasyon sa mga bagong pag-aaral sa di-tradisyunal na aplikasyon ng Darwinistang pag-aaral ang akda: parang akademikong adbertisment kung paano gawin ang isang Darwinistang antropolohiya at sikolohiya sa mas matinong paraan. Nakakaaliw ang pamagat ng isang kapitulo nito:  ”How I Learned to Stop Worrying ang Love Genetic Determinism”. Huwag magpadala sa superpisyal na linya nito: hindi ito pag-endorso sa tradisyunal na kahulugan ng genetic determinism! Lalo pa at otoridad ang may-akda sa mas pinong pomulasyon at modelong matematikal ng group selection sa ebolusyunaryong bayolohiya. Ika-21-siglong ebolusyunaryong pananaw ang nasa mga pahinang ito ng akda ni Wilson.

Riot Van

And up rolls the riot van
And these lads just wind the coppers up
They ask why they don’t catch proper crooks

(Arctic Monkeys/2006)

Management

May mahalaga at matalas na punto dito na maaaring magagamit hindi lamang sa pag-unawa sa namamayani at pinapalagang istruktura: magbibigay alerto rin ito sa posibleng tendensiya ng ilang kaayusan ng ‘pamamahala’ ng mga organisasyong kumikilos tungo sa pagbabago. Lagi, labas at loob na pagbabasa:

One important aspect of our analytical framework is the central role conferred on managerial classes, an analysis that echoes the perspective of what was called “Managerial capitalism” in the United States. To us,management refers to a social relationship, besides the ownership of the means of production in the strict sense, a component of class patterns. In this respect, there is a convergence between Jacques Bidet’s analysis and ours, even if the basic conceptual framework is not fully identical. Bidet sees in organization a “class factor” (a factor in the determination of class patterns) besides ownership. In our view, class patterns are “tripolar” (a ternary setting): capitalist classes, managerial classes, and popular classes. By “popular classes”, we mean production workers and other lower ranking wage-earners (commercial-clerical workers).

Dito galing ang sipi sa itaas: maganda kung tuloy itong basahin.

At dito ang isang magandang akdang pinatnugutan nina Jacques Bidet at Stathis Kouvelakis, Critical Companion to Contemporary Marxism.

Badiou on Evil

Dahil sa dramatikong karahasang naganap kamakailan sa Norway, mukhang magandang basahing-muli itong 2001 na panayam kay Badiou tungkol sa “kasamaan” (evil). Ito ang isa pang pagmumuni (Rebellion against pluralism).

Evolution in the City

Maaaring sumagi na ito sa isip minsan kung ikaw ay interesado sa ebolusyunayong teorya at bayoheyograpiya: dahil lumilikha ng mga mistulang “isla” (magkakahiwalay na adaptive sites) ang maraming sulok ng isang siyudad, nagiging mga potensyal na mga erya ito para sa ebolusyunaryong pagsasanga-sanga (differentiation) ng maraming organismo ng siyudad.

Pero iba pa rin ang dating nitong empirikal na mga resulta ng isang pag-aaral sa ebolusyunaryong pagsasanga sa gitna mismo ng metropolis ng, halimbawa, New York City! Ganito ang balita:

White-footed mice, stranded on isolated urban islands, are evolving to adapt to urban stress. Fish in the Hudson have evolved to cope with poisons in the water. Native ants find refuge in the median strips on Broadway. And more familiar urban organisms, like bedbugs, rats and bacteria, also mutate and change in response to the pressures of the metropolis. In short, the process of evolution is responding to New York and other cities the way it has responded to countless environmental changes over the past few billion years. Life adapts.

May nangyayari talagang kakaiba sa dinamiks ng buhay sa mga sulok-sulok ng siyudad. Ang mga sento ng populasyon (ng tao) ay tila sentro rin ng mga nakakagulat na mga estratehiya-sa-buhay ng maraming organismong di-tao:

Dr. Danoff-Burg and Dr. Dunn are trying to figure out what controls the balance of native and new species in New York. They don’t understand why some medians have more biodiversity than others, for example. On natural islands, biodiversity tends to increase with the size of the islands. Dr. Danoff-Burg and Dr. Dunn find no such correlation in the medians on Broadway. They also have to determine how native species of ants are coexisting in such close quarters with invasive species. New York, in other words, is an evolutionary experiment — one that some scientists find fascinating to observe. “It’s some new thing emerging around us,” Dr. Dunn said.

Dito ang buong papel ng isang pag-aaral. Na masisipi sa kanyang abstrak ang sumusunod:

Analysis of molecular variance revealed that genetic differences between populations separated by a few kilometres are more significant than differences between prehistorically isolated landmasses (i.e. Bronx, Queens, and Manhattan).

Naalala ko tuloy ngayon ang pambukas na mga pahina ng Life of Pi.

Ip Dip

Library pictures of the quickening canoe
The first of its kind to get to the Moon
Trust some ellipses to chase you round the room
Through curly straws and metaphors and goo

Tanu(q)

Klasikong kanta ng pakikibakang magsasaka para sa paglaya ng lupa ang Tano (‘may isang magsasakang Tano ang pangalan…’).

Sa mga wikang Manobo, T’boli, Blaan, at iba pa, ang katagang ‘Tano’ ay maituturing na kogneyt ng mga kategoryang nangangahulugang ‘lupa’ o ‘sangkalupaan’: (Talaingod Manobo o ‘Ata-Manobo’), tanu(q)—katulad ng makikita sa pangalan ng kanilang organisasyon, Salugpungan ta Tanu Igkanugon—(T’boli) tonok, (Blaan) tana(q). Ganito ang entri ng makapal na diksiyunaryong T’boli-Ingles nina Awed, Underwood, at Wynen:

tonok n. Earth, ground, soil; land as distinguished from sea or sky. Gel le mogow ebe tonok tendo hneneg le yem blotik abay se be yo gunu le temngon du ke angat kmulon dun mnong kdaw. They always go (down from the house) to the ground to look at the stars because that is how they know if it will rain or be a sunny day.

Ang huling mga linya ng ‘Oda sa Diksyunaryo’ ng makatang si Pablo Neruda ay may linyang de tierra soy = Yo soy de tierra = Ako ay taga-lupa, Ako ay mula sa lupa.

Nasa isip kapwa ang magsasakang si Tano, ang tanu(q), at ang ‘lupang ninuno’ ng mga lumad at tumandok ng Mindanaw, gagamitin natin ang katagang ‘anak ng tanuk‘ bilang salin ng linya ni Neruda. Ganito ang magiging huling bahagi ng oda:

Mula sa maalingawngaw-sa-lawak
na gubat mong masukal,
ipagkaloob sa akin,
sa punto ng pangangailangan,
siritsik ng ibon, rangya
ng bubuyog,
tipak at subyang
ng matanda mong tablang pinabanguhan
ng hasminera magpawalang-hanggan,
isang
pantig
isang lindol, isang tunog,
isang butil:
ako’y anak ng tanuk at awit ko’y mga salita.

Ako ay nagmula sa lupa at aawitin ko ang kanyang wika. Anak ng tanuk, kakanta ako sa katutubong kumpas ng wika ni Tano: tanu(q), tonok, tana(q).

Zizek on Neruda (and ‘the exotic Other’)

Naalala ko kamakailan, habang isinasalin ang napakagandang tulang Oda a las cosas, ang isang matalas na pagmumuni ni Zizek (nasa Living in the End of Times). Tungkol ito sa delikadong pagkadulas nitong kilos-sikolohikal na paglikha sa Iba (Other) bilang isang ‘eksotikong bagay’ (isang sublima, ibang-iba, nakakabighaning Iba) tungong pakikitungo dito bilang ‘dumi’ o ‘tae’. May ganito, ibig sabihin, na equation sa sikoanalitikong sentido: eksotisasyon (ng isang entidad)→lubos na pagyurak (sa entidad na ito). Ganito ang prinsipyong binanggit ni Zizek:

One should take this equation very seriously: elevating the exotic Other into an indifferent divinity is strictly equal to treating it like shit.

Hindi ko na sisipiin dito ang nakakagulat na kuwento ng ‘panggagahasa’ ni Neruda (sa wika ni Zizek, a shameless story of a rape) sa isang pariah caste na babaeng Tamil. Mababasa ito sa Memoir ni Neruda, pahina 99-100. At ang pagbanggit dito ni Zizek bilang empirikal na kaso ng dayalektika ng eksotisasyon = pagyurak sa Living in the End Times, pahina 23-25.

Matapos mabasa ang seksiyong ito mula kay Zizek, baka mas maengganyo ang isang umpisahang basahin ang mas nauna pang mga pahina: nakakaaliw na paliwanag ni Zizek sa Hegelyanong konsepto ng concrete universality at ang kanyang kritika kay Gandhi.