
Magandang gawan ng pagkukumpara ang mga maagang pagbabasang ginagawa ngayon ng ilang kilalang teoritista at komentarista tungkol sa nangyayaring pagkilos-pulitikal sa mundong Arabo (sa Tunisya at Ehipto):
Jan 19: Alain Badiou, On Tunisia, riots, and revolution
Jan 31: Peter Hallward, In Egypt and Tunisia the will of the people is not a hollow cliche
Feb 1: Slavoj Zizek, Why fear the Arab revolutionary spirit? (at, ‘This is universalism at work’)
Feb 3: Samir Amin, Movements in Egypt: The US Realigns
Feb 4: Noam Chomsky, It’s not radical Islam that worries the US—it’s independence
Feb 5: Tariq Ali, Plan B for a Post-Mubarak Egypt?
Feb 5: Paul Mason, Twenty reasons why it’s kicking off everywhere
Feb 6: Joseph Stiglitz, Steadying Tunisia’s balancing act
Sa walong pagbabasa sa itaas, dalawa (Badiou, Amin) ang nagpaloob nito sa kani-kanilang tipo ng peryodisasyong pangkasaysayan upang bigyang-kahulugan, sa malawak na sentido, ang kasalukuyang pangyayari:
(1) Titingnan ni Amin ang mga kaganapan bilang bahagi ng tinatawag niyang ‘pangalawang alon ng mapagpalayang pagkilos ng mga bansa ng Timog’—second wave of independent initiatives of the countries of the South (ang sinisimbolo ng pangyayaring-Bandung 1955 ay bahagi ng unang alon). (Tingnan dito ang naunang pagtalakay sa pagbabasa ni Amin.)
(2) Para kay Badiou, tayo ay nasa intervallic period at riot (at hindi totohanang ‘rebolusyon’) ang tanging anyo ng mga pulitikal na pagkilos (ganito ang kanyang retorikal na tanong: are we living in a time of riots?) habang hindi pa buong napapalitaw-muli—sa pinakamatalas na anyo—ang susunod na serye ng ‘komunistang haypotesis’.
Dahil, sa pananaw ni Badiou, talagang tapos na ang ‘pangalawang yugto’ ng communist sequence (tingnan dito ang kaugnay na mga sipi mula sa kanyang Sarkozy na akda, na mas pinalawak sa Communist Hypothesis; at ang dalawa pang kaugnay na posts, dito at dito) at ang pangatlong yugto ay wala pa—dahil hindi pa nagkakaroon ng tamang pormulasyon sa tanong na napalitaw ng yugtong dumaan: ano ang tamang anyo ng organisasyong pulitikal na mapagpalaya?—lahat na mga pagkilos-pulitikal sa pagitang-yugtong ito ay mga pag-galaw sa anino ng napakakumplikadong ‘Rebolusyong Kultural’ ng Tsina noong panahon ni Mao. Ang ‘Rebolusyong Kultural’ ang pinaka-ultimong lohika ng proyektong binuksan ni Lenin—ang modelo ng karanasang pulitikal na ‘lubusang bumabad’ (saturate) sa porma ng partido→estado (party-state).
Ganito ang paliwanag ni Badiou sa koneksiyong intervallic period/riot at kung bakit mayaman (very fertile) sa mahuhugot na praktikal at konseptwal na mga sangkap ang pagitang-yugtong ito:
In intervallic periods, discontent exists but it can’t be structured because it is unable to draw its force from a shared idea. Its power is essentially negative (“make them go away”). This is why the form of mass collective action in an intervallic period is the riot. Take the period 1820-1850: it was a grand period of riots (1830, 1848, the revolt of the Canuts of Lyon); but it doesn’t mean they were sterile, they were haphazard [aveugle] but very fertile. The great global political orientations that were the hinge [vertébré] of the next century emerge from that period. Marx says it well: the French workers’ movement was one of the sources of his thought (beside German philosophy and English political economy).
Mulat man o hindi sa sinundang mga padron, siksik ang mga kasalukuyang pag-galaw na ito kapwa ng mga pag-uulit (o tangkang pag-uulit) sa natutunang modelo at mga pag-aapuhap sa bago.
Sinalungguhitan naman ng dalawa ring pagbabasa (Hallward, Zizek) ang nabubuksang mga positibong panlipunang pwersa sa ganitong klaseng mga pagkilos:
(3) Binanggit ni Hallward ang ‘kapasidad sa pag-imbento ng mga anyo ng inklusibong asembleya’ sa ganitong mga panahon:
In today’s Tunisia and Egypt, as in 1950s Algeria, to affirm the will of the people is not to invoke an empty phrase. Will and people: rejecting the merely “formal” conceptions of democracy that disguise our status quo, an actively democratic politics will think one term through the other. A will of the people, on the one hand, must involve association and collective action, and will depend on a capacity to invent and preserve forms of inclusive assembly (through demonstrations, meetings, unions, parties, websites, networks).
(4) Ang pagpapalitaw ng mga ‘eksperimentong pang-samahan/organisasyon’ (organisational experiments) dala ng mga ganitong uri ng pagkilos—isang ‘tunay na puwang para sa pagbubukas ng mga di-pa-naririnig na pwersa para sa panlipunang pagbabago’ (genuine opening that unleashed unheard-of forces for social transformation)—ay binigyang-diin rin ni Zizek (na ikinumpara ang sitwasyon sa Tunisya at Ehipto sa Iran noong maagang bahagi ng Khomenei Revolution):
Even if this dream [was] utopian, it did lead to a breathtaking explosion of political and social creativity, organisational experiments and debates among students and ordinary people.
Ang iba pang puntong makikita sa pitong sanaysay ay nasa temang hindi na bago sa pandinig: (a) tatlo (Amin, Ali, Chomsky) ang pomukos sa manipulasyong gagawin ng Amerika upang mapanatili ang kritikal na hawak sa Ehipto; (b) isa (Stiglitz) ang may di-Marxista (o anarkista, sa kaso ni Chomsky) na pagbabasa: na isang pampulitikal na problema (‘awtokrasya’) at sagot (‘demokrasya’) ang sentral na drama sa Tunisya (at Ehipto).
(5) Kahit pa binanggit ni Stiglitz ang dalang kahinaan ng pormal na ‘demokrasya’ (there is more to true democracy than periodic elections; Democracy in the US, for example, has been accompanied by increasing inequality), dapat basahing mabuti ang kanyang punto: ang magkatunggaling-kategorya para sa kanya (nasa 2006-akda nito, Making Globalization Work) ay ang unfettered/free market capitalism kontra managed market economy—at kaya ganito ang kanyang ideyolohikal na pananaw: ang ‘(tamang praktika ng) demokrasya’ ang ‘magpapahinahon sa mga kalabisan ng kapitalismo’ (to temper the excesses of capitalism: to channel the power of the market). Kaya nasa loob pa rin talaga ng diskursong Kapital ang pagbabasang ito.
(6) Katulad ng binigyang-diin ni Amin (ang pang-gitnang-uring mga kabataang-may-diploma-ngunit-walang-trabaho), tinukoy ng isa (Mason) ang pagkakaroon ng malawak na ugnayang ‘horisontal’ ng sosyolohikal na tipong ito (the graduate with no future) dala ng kasalukuyang akses sa mga bagong teknolohiya ng social media (Facebook, Twitter, Yfrog). Tila isang pop-Foucault/Deleuze ang nangingibabaw na semi-ideolohiya ng sosyolohikal na tipong ito na kakalitaw lang sa entabladong-global:
People have a better understanding of power. The activists have read their Chomsky and their Hardt-Negri, but the ideas therein have become mimetic: young people believe the issues are no longer class and economics but simply power: they are clever to the point of expertise in knowing how to mess up hierarchies and see the various “revolutions” in their own lives as part of an “exodus” from oppression [.]