Reading Wikileaks


Matapos ang unang bulke ng mga releases tungkol sa US Embassy Cables, tumampok uli ang Wikileaks kaugnay ng mga kaganapang pulitikal sa Ehipto:
WikiLeaks: the latest developments
WikiLeaks cables show close US relationship with Egyptian president
Paano basahin bilang isang global na panlipunang penomenon ang Wikileaks?
May tatlong mahahalagang sanaysay na lumabas kamakailan at makakatulong sa analisis: (1) (Disyembre 16, 2010) ang tila pinaka-unang dayalektikal na pagsusuri nito lampas sa mga paimbabaw na expose-balita, na ginawa ng akademikong si Saroj Giri (dito ang pdf: Wikileaks Beyond Wikileaks); (2) (Disyembre 23, 2010) ang maituturing na seryosong sagot sa kritika ni Giri na isang tipo ng ‘radikalismong elit’ at walang panlipunang base ang Wikileaks (dito ang pdf: Wikileaks, Karl Marx, and you); at, (3) (Enero 20, 2011) isa pang tugon sa sanaysay ni Giri, na may bagong twist sa dayalektikal na analisis nito, mula kay Slavoj Zizek (dito ang pdf: Good Manners in the Age of Wikileaks), gamit ulit ang ilang pop-pelikulang ginawan ng sosyolohikal na basa.
Binigyang-diin ng (2) ang historikal na tradisyon kung saan dapat ikabit ang penomenong Wikileaks, habang ang parehong tema naman ng (1) at (3) ay ang paglalahad ng tensyon sa loob mismo ng praktikang Wikileaks: ang tendensiya na gawin itong isa lamang na dramatikong tipo ng liberal-ideyolohiyang tindig tungkol sa (abstraktong ideya ng) ‘libreng pagdaloy ng impormasyon’ kontra sa radikal na praktika at potensyal nito.
Magkaiba ang panloob na tensiyong binigyang-diin nina Giri at Zizek.
Kahit pa may rekognisyon sa radikal na dimensyon ng praktika nito, may panghihinayang si Giri na hindi nakuhang dumugtong sa masa/ordinaryong-tao ang mga techno-hippies na hacktivists:
It must … be stated in no uncertain terms that Wikileaks clearly embodies a radical rupture in US imperialism’s normal functioning and also from the normal channels of dissent and ‘citizen activism’ set up by imperialism. [...] And yet the fact of the matter is that Wikileaks is quickly becoming part of business as usual—anarchism is slowly morphing into journalism! Assange might continue this liberal slide further but we should not be surprised about this ‘compromise’. For one cannot conceive of another outcome given Wikileaks’ methods and forms of activism purportedly challenging power and undermining US domination through the hacktivism of a handful of tech-hippies. The faceless bohemian tech-libertarians, so long as they remain an underground hacker-elite, must increasingly rely on spectacular releases and big ticket actions: it is through such actions that they will try to short-circuit themselves into prominence.
Interesante ang lapit ng sanaysay ni Zizek dahil sinuri niya ang dayalektika nitong napaka-karaniwan at otomatikong linya (na nasa bandila rin ng Wikileaks): na ’dapat ilabas ang katotohanan’.
May magkaibang dimensiyon ang linyang iyan: (a) kung itatabi sa umiiral na hipokrisiya ng estado at ng mga sinasabing necessary lies nito, kumpara sa, (b) kung itatabi ito sa ideya ng public space at public politeness/tact kung saan may mga bagay na sadyang hindi pinag-uusapan. Hindi absoluto at simple ang linya tungkol sa ‘pagpapalabas ng katotohanan.’
Ang sentrong tesis ni Zizek ay ang epekto ng Wikileaks sa pulitika ng public space: ang ginawa ng Wikileaks, lalong-lalo na sa US diplomatic cables, ay ang probokatibong ‘pagpapahiya’ sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsasa-publiko ng mga katotohanan na sa malawak na tema nito (ang hipokrisiya ng interbensiyonistang Imperyo) ay nasa loob na rin talaga, matagal na, sa isipin ng marami (alam ngunit hindi pinapansin):
The only surprising thing about the WikiLeaks revelations is that they contain no surprises. Didn’t we learn exactly what we expected to learn? The real disturbance was at the level of appearances: we can no longer pretend we don’t know what everyone knows we know. [...] There are moments—moments of crisis for the hegemonic discourse—when one should take the risk of provoking the disintegration of appearances. [...] Through actions like the WikiLeaks disclosures, the shame—our shame for tolerating such power over us—is made more shameful by being publicised.

























